M I L L E R
I can no longer remember when was the first time I felt this type of nervous – the one that is mixed with fear. At kung sakali na kamakailan lang ito, I'm sure it must have been with Axel. Pawang hindi ko rin maalala kung siya ba ang rason para maramdaman ko 'yon... I don't know. I really don't know.
But, I am quite sure that this time ay siya ang sanhi ng kaba't takot na ito.
As soon as I realized whose voice was that, my mind hastily went for the place where I left my beloved. At sa isang iglap ay narating ko ang eskinita kung saan ko siya iniwan.
This was my fastest teleportation. I should be celebrating now but I cannot even think of how because the only thing I can see from the distance is the very image of Axel leaning on the side of the narrow alley. Bathed in crimson blood as vibrant as the fear I am feeling.
Hawak-hawak niya ang sariling tiyan habang sinusubukan na makatayo ng tuwid at tinutulak ang kung sinuman na pilit siyang pinapatumba. May kulay pula rin ang kanyang braso. His white sleeves were wrecked, and the vivid red wound was exposed.
"Axel!" I finally managed to shout after a few seconds of being frozen in shock.
Everything went slow... very slow. Sa sobrang bagal ay nagmistulang butil ng pulang diyamante ang dugong bumulwak sa bibig ni Axel nang biglaang hinatak ng lalaking naka-itim na suit ang punyal sa kanyang tiyan.
Hindi na ako nag-isip pa at dali-daling nag-teleport sa tabi ng lalaki. Aatake sana ako nang wala na ito sa harap ni Axel. Para bang nagpalit lang kami ng pwesto nang makita ko siyang naka-preno sa entrada ng eskinita at winasiwas sa hangin ang kanyang sandata. Inihanda ko ang sarili ko sakaling hindi pa siya tapos sa pananakit pero nawala na siya ng hindi man lang lumilingon sa akin. He just gave up and left us.
Pero kahit man na hindi ko nakita ang kanyang mukha, tindig niya pa lang ay alam ko na kung sino siya.
"M-Miller..."
"Axel! Axel... What the f*ck... What happened?" Hindi ko agad namalayan, pero sa sandaling hinarap ko si Axel ay tuluyan na siyang nakaupo sa semento. He is almost lying on the cold ground. Napaka-hina at bagal ng bawat galaw niya.
"W-Wait... Don't talk. Don't move. Just stay still. You'll be fine! Trust me."
Kulang ang salitang taranta para ilarawan ang sitwasyon ko ngayon. Nanlalamig ang mga kamay ko, hindi naman ako ang nasaksak ngunit para bang bumaba ang lebel ng dugo sa katawan ko. Nanginginig at hindi ko rin maramdaman ang sarili kong mga biyas. Axel was also trembling, and to feel his warmth along the thick blood on the ground is a nightmare.
I can smell the sweet fragrance. Pero hindi ito ang uri ng dugo na matatakam ako.
"It was the leader, w-was it? He's a pure vampire..." I mumbled.
Patanong kasi dapat ang mga kataga na iyon. Yet, due to grief, fear, and nervousness, my tongue won't cooperate. After seeing him turning pale white, nagsisimula ko na rin makalimutan kung paano magsalita.
"Hm-nn..." Mabagal na tumango si Axel. Konti na lang ay nakapikit na siya.
I pressed the wound on his stomach to where the blood was streaming almost non-stop. I don't know if it also applies to the vampires pero hindi siya pwedeng mawalan ng maraming dugo.
"H-Huwag kang pumikit... Axel. Axel! Don't—no. no!" I screamed while hugging Axel's entire person.
"Mi...ller..." nagmistulang bulong na lang ang huling mga salita ni Axel. Tuluyan na siyang pumikit at nawalan ng malay. Sa kabila nito ay ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya.
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...
