CHAPTER SEVENTY-SEVEN

16 2 0
                                        

M I L L E R

"Miller. Miller! Bakit ka biglang tumakbo?" tanong sa akin ni Kristoff na agad akong nasundan sa harap ng pinto ng kwarto namin ni Axel.

"Nothing. Wala kang dapat na ipag-alala."

"Talaga?"

"O-Oo... Sadyang may isa lang diyan na matigas ang ulo," pagpaparinig ko.

Alam kong naririnig ako ni Axel sa loob. I at least know how sharp a vampire's sense of hearing is.

Binigyan ako ng nalilitong tingin ni Kristoff. He tilted his head and raised his left brows. "Sinon—"

Mabilis kong inangat ang kamay ko. Inilagay ko sa harap ng labi ko ang hintuturo sabay senyas sa pinto para ipahiwatig na si Axel ang tinutukoy ko. Of course, it was not easy to guess what I meant by just pointing at the door. Kristoff knitted his brows and kept looking back and forth with my pointed thumb and the study door.

Matagal nakuha ni Kristoff ang mensahe ko at hahayaan ko na lang sana siya nang bigla siyang suminghap at tumango-tango. Then he quietly mouthed, "Si Master ba?"

Tumango ako para sagutin siya.

Sa sandali naman na kinumpirma ko ito ay biglang namula ang mukha ni Kristoff. At naiilang na nagkamot ng likod ng kanyang ulo.

He awkwardly smiled then said, "S-Sige, Miller. Good luck sa iyo... sa inyo. S-Sana maging maayos ka lang." After this, Kristoff vanished into thin air in front of me.

Sa palagay ko ay masyado pa nga talagang bata si Kristoff para sa mga ganitong paksa. A person who is at least more than 50 years older than me is considered young in the vampire society. Napapailing na lang ako sa tuwing sumasagi ito sa isipan ko.

Segundo matapos akong iwan ni Kristoff ay binuksan ko na ang pinto ng silid namin. Wala si Axel sa kama, pero rinig na rinig ko naman ang paglagasak ng tubig sa loob ng banyo.

Oh, so he is taking a bath... Isa rin ito sa mga napapansin ko nitong mga nakaraang araw. Laging naliligo si Axel. Wala naman talagang kakaiba sa araw-araw na pagligo, maski pa kung dalawang beses maligo sa isang araw. It's totally unsuspicious, yet now that there's this about the pheromone scent that vampires release as a warning signal for an upcoming heat. Sa palagay ko ay hindi na lang tungkol sa pagiging malinis ang madalas na pagligo ni Axel. I think he is trying to cover up or maybe get rid of the pheromone scent by bathing.

Surprisingly, it makes sense, doesn't it?

I waited for more or less than three minutes. He went out of the bathroom with ease. Very natural and unsuspicious. Akalain talaga na wala siyang tinatago dahil sa kalmado niyang pagkilos.

Naalala ko rin na mas kumportable si Axel na makipag-lampungan sa akin sa tuwing bagong ligo siya. He lets me hug him or get near to him whenever he is fresh from the bath. Kaya naman tuwing umaga, kung kailan ay mula sa magdamag na pagtulog at medyo pawisan ang katawan niya ay madalas siyang lumalayo sa akin kahit na nasa iisang kama kami. Kulang na nga lang ay ang pabalikin niya ako sa kwarto na nasa likod ng pader.

"Are you done with your training?" sabi ni Axel sa akin bago umupo sa tabi ko.

See this? Now that he temporarily got rid of the scent, he is now casually interacting with me.

"Oo. Wala rin kasi si Mateo ngayon kay kami lang ni Leo ang nasa ground..." Nagpapatuyo si Axel ng buhok niya. He thoroughly rubbed his bath towel making sure that his hair could dry quickly.

Obviously, he is getting comfortable with his seat right now. Sigurado akong wala siya kaide-ideya na alam ko na ang sekreto niya. Ayaw ko na itong patagalin pa. I wanted to start talking about his upcoming estrus without making it sounds like I'm mad of him hiding it from me. Dahil sa totoo lang ang ikinakadismaya ko lang ay ang kakulangan niya ng tiwala sa akin.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now