* * *
Parang kanina lang ay mahinahon na nag-uusap sina Ronaldo at Maximilian. Ngunit ngayon ay nasa sahig na si Ronaldo at nadadaganan na ng Supreme. Nakabaon ang matalim na kuko ni Maximilian sa leeg ni Ronaldo. Bahagya na rin itong nasusugatan kaya naman bakat ang kulay pulang linya dito na indikasyon ng dugo.
"Even if you grip me tighter, I don't think you could really kill me," panunuya ni Ronaldo kay Maximilian.
Kilala ni Ronaldo ang kapatid, alam niya kung kailan ito seryoso at hindi. At sa ginagawa nito ngayon na pagsakal sa kanya ay alam na alam na ni Ronaldo na hindi siya nito papatayin.
Pinapakita lamang ng Supreme na seryoso siya sa kanyang pagpunta rito. Ngunit hindi ito darating sa punto na papaslangin niya si Ronaldo... hangga't sa maaari ay hindi muna. Malakas si Ronaldo kaya alam din ni Maximilian na higit pa sa simpleng sakal ang kakailanganin para mapaslang niya ito.
"You... ar-are... still hop...ing that we can t-t-talk this... out!" Naghihikahos niyang bigkas.
Sabihin man na masamang tao si Ronaldo ay naging magkapatid pa rin naman ang dalawa.
"Can't I do that?" tanong ng Supreme sa kanya sabay bitaw sa leeg nito.
Nag-teleport si Maximilian palayo dahil sa sandaling bumitaw ang kanyang kamay sa leeg ng kapatid ay mabilis siya nitong inundayan ng saksak.
"Hindi na ba talaga magbabago ang puso mo?" batid niya.
Tumayo na si Ronaldo, hinimas-himas niya ang kanyang leeg at sa bawat himas ay naglalaho ang manipis na pulang linya dito.
"Ooh... Looks like your resolution is getting tougher each time we meet. You know me well, brother. Do you think there is any hope that I will change my mind?"
Sa pagkakataon na ito ay hindi na hinintay pa ni Ronaldo na tumugon ang kanyang kalaban. Lumundag siya at saka naglaho sa ere bago lumapag sa likod ni Maximilian. Agresibo niyang iwinasiwas ang kanyang kamay na ngayon ay lantaran nang pinakita ang dala niyang anti-vampire na sandata. Maliit ito ngunit pareho pa rin na may nakamamatay na epekto para sa mga bampira.
Maaaring nakapagtataka na isipin kung paano maaapektuhan ng anti-vampire materials ang mismong nilalang na pinagmulan ng pangunahin nitong sangkap – ang dugo ng Supreme.
"It is now or never..." Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Ronaldo sa kanyang isipan. Dahil alam niya na sa mga sandaling ito lang magiging epektibo ang sandata nila sa Supreme.
Hindi lang din ang kampo ni Mateo ang gumagamit ng teknolohiya para sa kanilang komunikasyon, dahil may suot din na maliit na earpiece si Ronaldo. Siya lang ang may suot nito. Ilang segundo bago naglaho sa kanyang tapat si Maximilian para maiwasan ang kanyang pag-atake ay tumunog ang suot niyang earpiece.
"Nandito na po kami, My Lord. Kumpirmado, nasa batang babae po ang rose ng Supreme." Pagbibigay alam ng kanyang tauhan na nasa malayong rehiyon ng bansa.
May kutob na si Ronaldo na maagang ipapamana ni Maximilian ang kanyang rosas na hiyas sa anak. Subalit kailangan na muna niya itong siguraduhin dahil hindi biro ang lakas ng isang Supreme kapag hawak niya ito. Maaari siyang mamatay kung padalos-dalos siyang sumugod ng hindi ito nakukumpirma.
Pagkatapos na ibigay ng tauhan ni Ronaldo ang impormasyon ay inutusan na nito ang mga kasamahan na gawin ang sunod na hakbang.
"As expected brother, you're fast on your feet."
"And you are as reckless as ever."
Palihim na ngumiti si Ronaldo at mapanukso na sinabi na, "Ooh, I'm happy that you can still remember a thing about me."
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...
