CHAPTER NINETY-NINE

11 0 0
                                        

M I L L E R

"Your adept teleportation ability can become your advantage. You're unexpectedly better at it than the other vampirized human I know. You should make use of it, Miller."

Ito ang bilin sa akin ni Mateo two days after the incident. Handang-handa na akong sumabak sa gabi noong araw na nagising ako ngunit pinigilan ako ni Mateo. He said that I might be feeling great and my physical strength might be at its peak, pero wala pa rin daw maidudulot na magandang resulta ang pagsugod sa kalaban na may halong matinding galit.

I still felt the same level of vengeance today, hindi naman ito nabawasan sa nagdaang dalawang araw. Pero kung mayroon mang pinagkaiba, siguro ito ay pagiging kalmado ko ngayon. I guess leaving it up for a few days erased the unnecessary tension.

Nasa red light district na ako ngayon kasama ko si Mateo at sampu pang mga alpha. Naghanda na kami sa pagkakataon na ito. May dala na kaming mga sandata. Hindi man nakamamatay ang mga dala namin, sapat na rin ito pangsangga sa mga sandata ng kalaban.

Sa gabing ito ay hindi na kami nagpanggap pang ordinaryong mga tao. Hindi na kami nakisalamuha pa sa iba. Pagkatapos namin na malaman na kalahati pala sa mga staff ay mga bampira ay naging mas kampante kaming lumaban. At least if anything happens during the raid walang inosente ang madadamay.

"It's certain, they will prepare for another attack," sambit ni Joseph noong gabi na pinagpaplanuhan pa namin ang pag-atake.

"Sang-ayon ako. Kung noong nakaraang araw ay kalahati pa lang ng staff ang bampira, siguradong ngayon ay nakapalibot at bantay sarado na nila ang Golden Mansion na iyon," dagdag ni Leo.

"At ang mas malala pa ay baka magdagdag din sila ng mga alpha sa lugar na iyon," sambit naman ng isa pa.

Hindi rin naman mali ang mga nabanngit nila, may malaki nga na posibilidad na palakasin ng mga ito ang kanilang pwersa. Isa pa, alam ng lahat na ang kampo ni Ronaldo ay may maraming alpha vampires dahil sa ambisyon niyang gumawa ng mga sundalong alpha na bampira. Hamak na mas konti ang mga alpha sa amin, habang sila, kahit higit singkwenta pa ay mukhang kaya nilang ipadala.

Tumungo kami ng red light district gamit ang van. As long as possible ay dapat walang makakita sa amin.

Wala pa sa mga kasama namin ang nakapasok sa Golden Mansion maliban sa akin at Mateo. So, we planned to have both of us disturb the inside tapos ay susunod na ang lahat. Dadaan sila sa mismong entrance.

"Be ready," bilin ko sa lahat.

Hinayaan din ni Mateo na ako ang manguna sa pag-atake na ito.

Bumigat ang tension sa loob ng van. Kulang na nga lang ay ang magkaroon ng suspense background music kagaya ng sa mga palabas sa TV sa tindi ng tension.

"In my mark," ani ko bilang simula, "ready... let's go!" Sa hudyat ko ay sabay kaming naglaho ni Mateo sa loob ng van. At tiyak akong matapos ang tatlong minuto ay sumunod na rin ang iba. Kanina ay binilin ko sa kanila na mag-abang lang sa labas ng Golden Mansion at pagkatapos ng isang minuto ay pwede na silang pumasok gamit ang referral card ko.

"Hah!"

Agad kaming inatake ng isa sa mga bantay sa sandaling nag-teleport kami sa loob ng parehong VVIP room na pinasok namin noong una kaming sumubok sa pagdakip sa lider nila. Tama nga kami ng hula, mas naging alerto sila ngayon. Walang tao sa loob ng playroom ng silid at lahat ay tila seryosong nakaupo sa sofa, naghihintay ng posibleng pag-atake.

They were not wrong about that, though. Dumating na nga kami ni Mateo.

Walang pag-aalinlangan akong inundayan ng saksak ng pinakaunang bampira na sumugod sa amin. Mabuti na lang at handa rin ako at simbilis ng kidlat kong winasiwas ang dala kong espada.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now