"Sino bang nagsabi sayo na titira ka sa bahay ko?!!" Kinuha ko yung gamit niya at hinagis ko sa labas ng bahay pagkatapos umakyat uli ako sa kwarto para siya naman ang kaladkarin ko palabas.
Pinihit ko na yung door knob pero naka sarado.
"Hoy buksan mo to!!" Sigaw ko pero walang sumasagot. Pinapainit ng babaeng to ang ulo ko ah. Hinanap ko yung duplicate ng susi sa kwarto pero wala lahat yun.
"Ito ba ang hinahanap mo?"
Naka dungaw na siya ngayon mula sa hagdanan at hawak hawak ang mga susi ng bahay. Bigla akong natigilan dahil sa suot niya. Naka nighties siya na kulay black, nakatali yung buhok niya pero may mga hiblang naka laglag at mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko yung maputi at makinis niyang legs.
Teka sinabi ko ba talaga yun?? Magsasalita pa sana ako pero bigla siyang nagsalita.
"Come and get it"
Sabi niya sa nang aakit na boses. Tumalikod na siya at naglakad papasok ng kwarto. Bigla akong napalunok nang makita ko yung panty niya na kulay black din.
Umiling ako para makabalik ako sa sarili ko. Hindi ka dapat magpatalo sa tukso Nathan! Hindi mo kilala ang babaeng yan kaya huwag mo siyang papatulan. Mamaya magaka sakit pa.
*Flashback..*
Nalasing ako sa bar kagabi at ang sakit ng ulo ko. Pagbangon ko may dalawang lalake na nakatayo sa may pintuan at agad na lumapit sakin.
"Teka! sino kayo??"
Binitbit nila ako at dinala sa bathroom.
"Maliligo ka ba oh kailangan kami pa ang magpapaligo sayo?"
"Woah! Easy lang mga bro! Ano bang nangyayari dito?" Tanong ko dahil wala akong ideya sa nangyayari.
"Huwag ka ng maraming tanong!"
Kesa mabugbog ako sa dalawang yun ay naligo na lang ako. Pinagmasdan ko yung paligid at saka ko lang namalayan na wala pala ako sa condo ko.
Sinadya kong magtagal sa bathroom para umalis na yung dalawa pero paglabas ko andun na naman sila. Papasok sana uli ako pero nahila ak nung isang lalake. Ano bang laban ko sa dalawang to' eh mas malaki pa kay The Rock yung katawan nila.
Inabutan nila ako ng coat and tie. At saan naman kaya ang punta namin?? Malamang si Lolo ang may pakana ng lahat ng ito.
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta kami sa function hall ng hotel. Sa tingin ko may ikakasal ngayon, sa itsura pa lang ng lugar halatang engrandeng kasalan ang magaganap at natitiyak kong hindi lang basta basta.
Ang daming tao at lahat sila mga mayayaman, yung iba kakilala ko at yung iba naman mga bago sa paningin ko, bawat makita ko kinocongratulate ako. Bakit?? anong meron?? Ipapamana na ba sakin ni Lolo yung buong kayamanan niya??
Pupunta na sana ako sa may upuan pero hinila na naman ako nung isang bouncer. Ano bang problema ng mga to??
"Uupo ako, bawal??"
"Doon ka pumunta."
Pinapunta nila ako sa harap malapit sa may altar. Sino ba kasi yung ikakasal?? Best man ba ako at kailangan dito pa sa harap??
Maya-maya pa isa isa ng namatay yung mga ilaw at tumugtog yung beautiful in white ni Shane Filan. Teka, bakit ganito?? nag uumpisa na yung kasal pero wala pa yung groom.
Biglang nagliwanag sa may gitna at may nakita akong babae na naglalakad papalapit sa altar. Sino siya?? Napakaganda niya, Kahit na nakatakip ng belo ang mukha niya masisilayan mo ang kagandahan niya. Para siyang diyosa, anghel, diwata, engkantada o kahit ano pa mang magandang elemento na nabuhay sa lupa. Siya na yata yung depinisyon ng perfect.
Pero sandali, Biglang naputol yung pag papantasya ko sakanya. Kanino pala siya ikakasal??
Hminto siya sa harap ko at inilahad niya yung kamay niya para kunin ko. TEKA!! HUWAG NIYANG SABIHING..
*End of flashback..*
Kahit gaano pa siya kaganda o kahit gaano pa siya ka perpekto hinding hindi ako mahuhulog sakanya.
Umakyat na ako sa itaas at agad na pumunta sa kwarto ko.
"Ibigay mo.. sa..kin.. Yung.."
"May sinasabi ka ba?"
Naka upo siya ngayon sa kama at naka de kwarto pa, mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang cleavage niya, ang laki ng dibdib niya, ano kayang size nun?? Paano mo naman malalaman kung hindi mo hahawakan diba?? Yung mga legs niyang mapuputi at makikinis.. Oh c'mon Nathan don't tell me tatanggihan mo siya??
"Come and get it Darling.."
Dahan dahan akong lumapit sakanya. Huwag kang ma temp Nathan! kaya mo yan! Grabe! Para siyang isang malaking tukso na nakakatakot iwasan!
Hinagis niya yung susi sa likod ng kama at dahan dahan siyang lumapit sakin. Hinawakan niya ako sa batok at pagkatapos ay hinalikan niya ako ng marahas.. Sh*t! Ibang klaseng babae to ah! Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya hinawakan ko na rin ang dibdib niya na kanina ko pa pinag papantasyahan, napangisi ako dahil totoo pala yung mga yun at talaga namang napakalambot.
Isa isa niyang binuksan ang butones ng polo ko at sinabunutan niya ako para mapadiin pa yung paghalik niya sakin. Hinawakan ko yung ulo niya para lumalim pa yung halikan namin pero bago pa lumalim yung ginagawa namin ay huminto na ako at hinila ko na siya palabas ng bahay.
"Ano bang ginagawa mo?" Sigaw niya mula sa labas ng bahay.
"Ano nga ba sa tingin mo?" Sagot ko sakanya. "Alam mo bang pinagawa ko tong bahay na to para sa babaeng mapapangasawa ko at hindi kung kani-kanino lang? Kaya kung ako sayo umalis ka na at huwag ng babalik pa, dahil wala kang mapapala sakin."
Saka ko na ni lock yung pintuan. Sumandal ako doon at nakahinga na ng maluwag. Woah! Muntikan na ako dun ah. Buti na lang at nakapag pigil ka Nathan, kung hindi baka nagkaroon ka na ng junior.
Pero kapag naiimagine ko kung gaano siya kaganda at kung gaano ka perpekto yung kurbada niya parang gusto iya papasukin uli dito sa loob ng bahay.
Sumilip ako sa labas at nakita ko siya na naka upo at nakayakap sa mga binti niya. The f*ck!! Hindi ko mapigilang mapamura. Bakit siya naka upo ng ganun?? paano kung may makakita sakanyang manyakis???
Lalabas na sana ako pero parang may pumipigil sakin. Nagpapa-awa lang yan sayo Nathan, hayaan mo lang siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na lang ako sa kusina para maka inom ng tubig. Natuyuan ako ng lalamunan sa babaeng yun ah. Bumalik ako sa may pintuan para tignan kung andun pa siya pero wala na siya. Lumabas ako para tignan siya kung naka alis nga siya pero wala akong nakita ni anino niya.
Bahala siya, basta huwag na niya akong gugluhin pa uli!!
Bumalik na ako sa loob at ni lock ko na yung pintuan. Pumahik na ako sa kwarto ko sa itaas para matulog sana pero nakita ko siya na natutulog na doon. WTF!! Ano na namang ginagawa niya dito?? I thought she already gone forever. Talagang inuubos ng babaeng to ang pasensya ko!
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...