Julia's POV
Pag gising ko ngayon nandito na sa tabi ko si Nathan. Hindi ko alam kung anong oras siya dumating kagabi dahil mahimbing na din siguro ang tulog ko.
"Good morning." Bati niya sakin saka niya ako hinalikan sa labi at niyakap.
"Good morning." Bati ko din sakanya. "Anong oras ka dumating kagabi?"
"Uhm.. Mga 12 na yata yun."
Tumango ako. "Mamaya ba mag oovertime ka?"
"Hindi pa ako sigurado. Bakit?"
"Lalabas kami ng mga kaibigan ko, birthday kasi nung isa naming kaibigan." Biglang kumunot ang noo niya nang sabihin ko yun.
"Sino yang mga kaibigan mong yun? And saan ka pupunta?"
Napa isip tuloy ako ng pangalan. Wala naman kasi talaga akong mga kaibigan na kikitain at nagpapalusot lang ako para maka labas ako. Kailangan kong makipagkita kay Calvin dahil may solusyon na daw siya sa problema namin. Nangungulit kasi palagi si Arnulo na makita ako kaya naka isip ng paraan si Calvin para matapos na ang kahibangan sakin ng matandang yun. "Sina Khay, Nessie, Kat, Maine, Bernadette--"
"Okay na. San kayo pupunta at anong oras kayo uuwi?"
"Sa bahay nung isa. Mga 8 or 9 siguro ako uuwi."
"Okay pero bawal kang uminom. Mahina ang tolerance mo sa alak."
Umokay na lang ako dahil hindi naman talaga ako iinom dahil wala naman talagang birthday or party. "Thank you. Babangon na ako. Anong gusto mong almusal?"
"Pwede bang ikaw na lang?"
Pagkasabi niya nun ay hinila niya ako palapit sakanya saka sinimulang halikan. "Hey.. W..what are you doing?" Naramdaman ko kasing tumama yung ano niya sa may puson ko. Sh*t! no, Nathan.. Baka hindi ako makapagpigil..
"Trying to eat my breakfast." Sabi niya at pagkatapos ay naramdaman kong pumasok ang kamay niya sa loob ng damit ko.
"Ohhh Nathan.." Ewan ko ba pero parang nababaliw ako sa ginagawa niya sakin ngayon.
"Parang ayokong pumasok ngayon."
Saka lang ako naka balik sa sarili kong katinuan nang sabihin niya yun. "Ah wait lang darling." Sabi ko saka ako lumayo sakanya. "Sa susunod na lang natin to ituloy. Magluluto na muna ako ng favorite mong pancake okay?" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nagpunta na ako sa cr para maghilamos. "Muntikan na ako dun." Sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos kong maghilamos ay nagpunta na ako sa kusina.
"Mam last na po yang harina nyo." Sabi ni manang sakin. Halos araw araw ko ba naman siyang gawan ng home made pancake eh.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomansaNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...