My Cyborg Wife-42 Not Again..

822 19 0
                                    

Pag alis nila Nathaniel ay dinala na ni Lucy sa kwarto si Julia. Alam niyang nagpapanggap lamang ito na nahimatay para hindi na siya guluhin pa ni Calvin.










"Anong nangyari sakanya?" Tanong ni Calvin.

















"Nag malfunction lang siya."














"May kinalaman ba dito si Nathaniel?" Tanong uli ni Calvin habang pinagmamasdan si Julia.

















"Yun ba ang ex husband niya?" Tanong ni Lucy. "Pwedeng bumalik ang alaala niya dito pero hindi ang nararamdaman niya. Hindi na siya tao na kagaya natin kaya hindi niya na mararamdaman pa ang anumang naramdaman niya dito noon."
















"Good. Ayusin mo na siya kaagad para ma gamit ko siya sa pagpapahirap ko kay Nathaniel." Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya. Ikinandado ni Lucy ang kwarto saka niya nilapitan si Julia. Mabilis namang bumango si Julia. "Narinig mo ba ang sinabi niya?"















"Balak niya pa talaga akong gamitin sa asawa ko. Demonyo siya!"















"Anong plano mo Julia?"

















Tumayo si Julia at may kinuha siya sa drawer pagkatapos ay bumalik siya sa kama dala ang kinuha.

























"Huwag Julia." Napansin ni Lucy ang hawak nitong capsule. Parehong capsule na ginamit niya para pahintuin ang pagtibok ng puso niya noon. "Naalala mo nung inumin mo yan? Halos hindi ka na namin magising. Hindi mo pwedeng gamitin yan sa pangalawang pagkaka taon. Baka hindi ka na--"















"Lucy, ito lang ang paraan ko para maka alis tayo dito. Masaya na ako na nakita at nahagkan kong muli si Nathan kaya kahit masakit at mahirap para sakin gagawin ko to. Alam ko na kapag sinabi mong hindi mo ako maaayos ay babalik tayo ng Amerika at yun na lang ang naiisip kong paraan para tantanan niya si Nathaniel pati na rin ang pamilya ko."

















"Julia, huwag mong gagawin yan. Pano kung hindi ka na magising? Paano kung matuluyan ka sa ginagawa mong yan? Paano kung within 24 hours hindi na kita magising?"



















Hinawakan niya ang kamay ni Lucy at sinigurado niya dito na hindi siya mamamatay. "Wala akong pag sisisihan sa gagawin ko at isa pa, hindi ako mamamatay, marami pa akong babalikan Lucy. Ikaw na muna ang bahalang magpaliwanag kay Nathaniel sa mga nangyayari."

















"Julia, natatakot ako sa gagawin mo."





















"I'm sorry kung kinakailangan nating bumalik ng US, Lucy. This is the only way to protect our love ones." Humiga siya at pagkatapos ay ininom niya na ang gamot. Ilang minuto pa ay tumalab na ito at huminto ang pagtibok ng kanyang puso. Huminga muna ng malalim si Lucy bago siya lumabas at kumatok sa kwarto ni Calvin. Pinapasok siya nito at naabutan niya itong umiinom.
















"Hindi ko maayos si Julia." Pagsisimula niya. Tinignan lamang siya ni Calvin at parang sinasabi na ituloy mo ang sasabihin mo kaya naman nagpatuloy siya. "Hindi na nagfa function ang mga artificial nerve na nagpapatakbo sa utak at puso niya."
























My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon