Nathan's POV
Muntikan ko nang makalimutan na pinapa uwi pala kami ni kuya sa mansyon ngayon, buti na lang at tinawagan ni Mama si Julia kaya mabilis akong naligo at nag empake dahil doon muna kami hanggang tatlong araw.
Buong biyahe siyang tahimik at hindi kami nag uusap. Tinanong ko siya kung gutom siya pero umiling lang siya at nag tulog tulugan.😠 Nag sorry na ako diba? Sige lang, ipagpatuloy mo ang patginh cold treatment sakin Julia, susuko ka rin. Halos dalawang oras din ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa mansyon at nang gisingin ko siya ay naramdaman kong mainit siya. Kaya siguro wala siya sa mood. Lumabas ako saka ko na lang siya binuhat paounta sa kwarto.
"Hindi ko alam na may sakit pala ang asawa mo. Sana ipinagpa bukas nyo na lang ang pagpunta dito."
"Wala naman siyang sinasabi." Sabi ko na parang walang pakielam.
"Sumunod ka nga sakin Nathaniel."
Ano bang ginawa ko?? Pag ganitong kinukumpleto niya ang pangalan ko alam kong galit na siya kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya papunta sa study.
"Huwag na huwag mong bibigyan ng hard time ang asawa mo!" Bungad niya. Hindi pa man ako nakaka upo sinermonan niya na ako kaagad.😑😑😑
"Sino bang nag ha-hard time?" Bulong ko kaya lang narinig niya yata ako kaya hinampas niya ako ng mahina sa braso.
"Kapag nalaman ni Julia ang pambababae mo talagang itatakwil kita Nathaniel. Kaya habang maaga pa umayos ka!"
"Hindi ako nambababae ma, sila lang ang lumalapit sakin." Pagkasabi ko nun ay binato niya ako ng libro, mabuti na lang at naka iwas ako.😆
"Huwag mong hayaang magsawa sayo ang asawa mo dahil hindi ka na makakahanap ng babaeng mag cha-chaga sa pagiging babaero mo."
Quits lang naman kami dahil nakikipagkita siya dun sa Calvin na yun.😠😠
"Kapag ba si Julia nakitang mong may ka halikan matutuwa ka?"
"Syempre hindi!" Mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko. Gusto kong bawiin yung sinabi ko kaya lang huli na.😑😑
"See? Maganda ang asawa mo at bata pa, huwag mong hayaan na iwan ka niya dahil lang mga bisyo mo. Sinasabi ko sayo, kapag nagsawa sayo yan iiwan ka niya."
Tsss. Edi iwan niya ako. Wala naman akong pakielam dun, kaya lang naman ayoko siyang sumasama dun sa Calvin na yun ay dahil kasal kami at sa mata ng tao mag asawa kami, yun lang yun.😒😒😒
"Oh sige na. Hahatiran ko ng gamot ang asawa mo at puntahan mo na ang kuya mo sa ibaba. Mamaya sabay sabay na tayong mag hapunan."
Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ko na sina kuya kasama si Aimee at yung baby nila.
"Hey Nate!"
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...