Tinignan ko yung lalakeng naghahanap kay Julia at nung mapansin niya na pinagmamasdan ko siya ay lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kwelyo. Loko to ah. Sino ba siya sa akala niya??
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari sakanya to."
"Ano bang sinasabi mo? Sino ka ba? Kaano ano ka ni Julia?"
"Kapag may nangyaring masama sakanya sinisigurado kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."
Pagkatapos nun itinulak niya ako at napaupo ako. Agad naman akong tumayo at hinila ko siya saka ko siya sinuntok sa mukha.
"Hindi kita kilala at wala kang karapatang pagbantaan ako. Ulitin mo pa yung ginawa mo at mang hihiram ka ng mukha sa aso."
Tumayo siya at lalapit sana sakin pero pinigilan siya nung isa nurse at ganun din naman ako. Kumalas ako sa pagkakahawak nung nurse sakin saka ako naglakad palabas ng ospital.
Hindi na ako babalik doon kahit pa anong mangyari sa babaeng yun. Hindi ko naman kailangang makonsensya dahil kasalanan niya rin naman yung nangyari sakanya.
Sumakay na ako sa kotse ko saka na ako umuwi ng bahay. Habang nandito ako sa bahay hindi ako mapakali. Wala akong ibang alam gawin dahil hindi naman ako makakapasok sa trabaho, mamaya isipin pa nila na nakipag away ako sa kung sino. Pero ano nga kasing gagawin ko?? Hindi nga kasi ako mapakali.
(A/N: Baka naman kasi namimiss mo na si Julia.)
Excuse me?? Hindi mangyayari yun. hinding hindi ko mamimiss yung babaeng yun kailan. At isa pa may kasama na siya doon dahil sinamahan na siya ng kung sino man yung lalaking yun. Magsama sila ng lalaki niya!!
(A/N: Ahhhyun.. Nagseselos pala.)
Ewan ko sayo miss author! Huwag ka ngang sumali dito. Ba't ba nag vo-voice over ka jan? Magsulat ka na lang at matutulog na ako!!
(A/N: KDOT)
Julia's POV
Pag gising ko nakita ko agad si Calvin na nakatayo malapit sa kamang hinihigaan ko. Anong nangyari? Tatayo sana ako pero biglang sumakit yung likod ko. Saka ko lang naalala yung nangyari kagabi.
"Mabuti naman at nagising ka na. May gusto ka bang kainin?"
Umiling ako sakanya. "Nasaan si Nathan? Hindi ba siya yung nagdala sakin dito?""Umuwi na siya. As if naman may pakielam sayo yung asawa mong yun. Dalawang araw ka ngang tulog ni hindi ka man lang binisita."
"Ibig sabihin dalawang araw na akong natutulog dito?"
"Oo, inoperahan yang likod mo para maayos ang mga buto mo na na nag crack."
"Inoperahan ako???"
Tumango tango lang siya. Kaya pala nanlalambot ako."Ano ngang gusto mong kainin?"
"Wala. Hindi naman ako nagugutom, gusto ko ng umuwi."
"Nababaliw ka na nga. Hindi ka pa nga makakilos ng maayos tapos uuwi ka na? Okay ka lang?"
Tinignan ko siya ng masama. Ano bang problema ng lalakeng to?? Feeling ko tuloy nagkapalit na kami ng posisyon. siya yung boss at ako ang assistant.
Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan ako at pagkatapos tinulungan niya ako.
"Matigas talaga yung ulo mo no?"
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...