My Cyborg Wife - 31 Madam Lola

875 21 0
                                    

Naka tanggap ng tawag si Travis mula kay Kevin at sinabi nito na doon muna si Nathalia sa lolo niya, pero hindi sinabi ni Kevin ang nangyari sa asawa ni Nate dahil ayaw niya munang mabaling ang atensyon ng mga ito rito. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at mas minabuti na muna nilang ilihim ang lahat hanggang sa gumising si Nathaniel at gumaling.




"Oo sige, pero lalabas na nga pala si Nate mamaya. Sa bahay na lang siya magpapagaling, kumuha na ng private nurse si mama para sakanya. Mas makabubuti rin siguro yun lalo na kung nandun si Nathalia para bumilis ang pag galing niya."






[Oo, siguradong makaka tulong si Nathalia sa mabilisang pag galinh ni Nate. Oh sige, iiwan na muna namin ang bata sa lolo niya. Babalik na lang kami dito bukas para sunduin siya at ihatid siya sainyo.]





"Ibigay mo na lang sakin ang address at ipapasundo ko na lang siya, para hindi abala sayo."






[Hindi naman siyaabala sakin at isa pa para ma dalaw ko na rin si Nate bukas.]







"Ikaw ang bahala. Maraming salamat."




Nagpaalam na sila sa isa't isa at si Travis naman ay inasikaso ang paglabas ng kapatid.

Samantala, sa bahay nila mang Julian na ama ni Julia ay nandoroon ang matandang lalaki at balisa. Habang naka titig siya sa apong natutulog ay hindi niya namalayan ang pag agos ng luha sa mga mata niya. Noong araw na yun ay isinarado nila ang kanilang negosyong carenderia dahil na rin sa panlalambot at panghihina nito sa nalamang balita. Sising sisi siya sa nangyari sakanyang anak at dahil sa ginawa nitong pagtatakwil sakanya noon ay halos patayin na siya ngayon ng sariling konsensya.





"Dad.."









Nilapitan siya ng anak na lalaki saka ito tumabi sakanya. Mabilis niya namang pinunasan ang kanyang mga luha upang hindi makita ng anak niya ngunit huli na ang lahat dahil kanina pa pala niya ito pinagmamasdan.






"Sigurado ako na kung nasaan man si Julia, masaya siya ngayon."








"Napakalaki ng kasalanan ko sakanya. Kahit sa kabilang buhay, hindi ako mapapatawad ng kapatid mo."







"Dad, hindi nagalit sayo si Julia. Kung nasaan man siya ngayon alam ko masaya siya dahil nakikita niya kung gaano mo siya ka mahal."






"Pero huli na anak.. Kung kailan ko siya gustong makita ngayon pa nangyari ito." Hindi na naman napigilan ng matanda ang umiyak sa harapan ng anak. Niyakap siya ni John saka dinamayan. Maging siya man ay gustong umiyak, ngunit kailangan niyang maging matatag para sa daddy nila.





"Don't feel bad about your self dad, she left us an angel who's as pretty as her." Tinignan niya ang apo saka niya hinawi ang buhok nito na tumatakip sa mukha niya. Magkamukha sila ni Julia nung bata pa ito, naalala niya na sobrang kulit ni Julia noon, sakanilang magkakapatid ay siya ang pinaka bibo at nawala lamang ito matapos ang aksidenteng nagpabago sa buhay nilang mag anak. Sinubukan niya namang patawarin at tanggapin ang lahat ng nangyari noon ngunit hindi niya kinaya dahil kapau8g nakikita niya si Julia ay bumabalik ang lahat ng sakit at kirot sa dibdib niya, pero noon yun, labing siyam na taon na ang nakaka lipas.. Nakaka tawang isipin na kung kailan naghilom na ang sugat sa puso nito ay saka naman niya malalaman ang napaka saklap na balita na wala na ang anak. Ang anak niya na itinakwil niya sa napaka habang panahon.. Ngayon na nawalan na naman siya ng isang anak ay hindi niya na alam kung paano niya bubuuin muli ang sarili. Parang bumalik muli ang sakit nang mawala ang asawa at panganay na anak niya.






My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon