My Cyborg Wife-24 Binagoongan Version 2.0

877 20 0
                                    

Calvin's POV

I received a text from Marga just now at naisipan ko siyang tawagan, baka kasi kung anu-ano na ang ginawa niya doon. May pagka tanga pa naman ang babaeng yun.😒😒
"Kumusta ang kondisyon jan sa bahay? Hindi ba nakakahalata si Nathaniel?"

[Sa tingin ko naman sir--]

Biglang nag pantig ang tenga ko sa sinabi niya at hibdie ko na siya pinatapos makapag salita. "Sa tingin mo?"

[Hindi naman siya nakakahalata boss.]

"Ayusin mo ang pagpapanggap mo at huwag kang gagawa ng bagay na ikaka pahamak ni Julia."

[Oo boss. Pero bago ko makalimutan, buntis ba si Julia?]

Oo nga pala. Huli na kasi nung malaman kong buntis si Julia kaya hindi na yun nasali sa plano.

[Hello?]

"Hindi." Matipid kong sagot. Mas mabuti na yun kesa naman malaman pa niya na buntis nga si Julia.

[Huh? Ang sabi niya buntis daw si Julia.]

"Diba sinabi ko nang hindi? Huwag kang magtanong ng kung anu-ano. Ayusin mo ang trabaho mo!" Ang kulit talaga ng babaeng to.😠😠

[Pero, kailan ba kayo babalik dito?]

"Nagrereklamo ka ba? Diba gusto mong yumaman? Edi ayan, mayaman ka na at may asawa ka ring mayaman." Bakit ba kapag ang babaeng ito ang kausap ko mabilis uminit ang ulo ko? Problemado na nga ako kay Julia dadagdagan pa niya.

[Pero, natatakot parin ako boss. Paano kung malaman niya yung totoo?]

Tsssss. This woman is pissing me off. "Hindi niya malalaman ang totoo kung gagalingan mong umarte. Bobo ka ba?"

[Anong totoo?]

Sh*t si Nathaniel ba yun?? Bigla kong narinig ang pagbagsak ng cellphone niya saka ko kaagad pinatay ang tawag.
Napaka tanga talaga ng babaeng yun! Bakit hindi niya alam na nandun si Nathan? Bobo talaga! Bwiset!
Pumasok na ako sa loob ng bahay saka ako umakyat sa kwarto ni Julia. Mejo naka bukas ang pintuan kaya pumasok na ako at nakita ko na naman siya na naka upo malapit sa bintana at pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bahay. Sa likod kasi ng mansyon ay may dagat at talaga namang hindi ka magsasawang pagmasdan ang kagandahan nito. Nilapitan ko siya at tumayo ako sa may tabi niya.

"Gusto mo bang mag swimming? Maganda ang panahon ngayon, hindi masyadong maaraw."

"Ayoko."

Simula nung dumating kami dito hindi niya na ako masyadong kinakausap. Sasagot lang siya kapag tinatanong ko siya at pagkatapos nun ay tahimik na lang siya. "Kumain ka na ba? Gusto mo lutu--"

"Hindi, hindi ako nagugutom. Gusto ko nang magpahinga." Tumayo siya sa kinauupuan niya saka siya pumunta sa kama niya at humiga.
Okay lang yan Calvin. Huwag kang ma guilty, alam ko na darating din ang araw na matututunan ka niyang mahalin, ang kailangan mo lang ay panahon.. Panahon para makalimutan niya si Nathaniel.

"Baka makasama yan sa baby mo, kumain ka muna bago ka matulog." Lalapitan ko sana siya pero bigla siyang nag balot ng kumot.

"Kakain ako kapag nagutom ako, pwede ka nang lumabas."

Hindi ko na lang siya pinatulan dahil alam ko ang nararamdaman niya. Lumabas na lang ako ng kwarto niya at nagpunta sa guest room.

Julia's POV

Pag alis niya ay saka ko lang ibinaba ang kumot ko. Ayoko siyang makita, ayoko siyang kausap at ayoko siyang lumalapit sakin. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sakin? Paano niya nagawa sa akin to? Sa lahat ng tao bakit siya pa na pinagkaka tiwalaan ko?? He knew that I was pregnant but still he did this. I just knew recently na kapatid niya pala si Nathan sa ama kaya ang bilis nitong nagawa ang mga plano niya. I can't complain kasi malaki ang utang na loob ko sa tatay niya, dahil kung hindi dahil sakanila baka matagal na akong wala sa mundo, though pinambayad utang lang ako ng Daddy ko, pero thankful padin ako sa pagkupkop nila sakin.
Kaya lang kahit saan ko pa tignan parang mali kasi eh, parang pakiramdam ko buong buhay ko kailangan ko silang pagsilbihan. Para akong isang robot na sunod sunuran sakanila, para akong isang tanga na walang ibang kayang gawin kung hindi ang sundin ang sasabihin nila. Honestly speaking, kung hindi ko lang dinadala ang anak namin ni Nathan baka wala na ako sa mundong ito, ang baby na to na lang ang isa sa mga nagbibigay ng pag asa sakin para mabuhay.
Bakit ba kasi napaka unfair sakin ng buhay?? Bakit ba ayaw nila akong maging masaya?? Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang maranasan kong mahalin ako ng taong mahal ko?? Kalabisan ba kung hihiling ako na magkaroon ng isang maganda at masayang pamilya??😭😭 "I miss you so much Nathan.."😞😞😞 "I will never love anyone else but you.."








My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon