"Pare, kain ka muna."
My inabot na sandwich sakin si Kevin at kinuha ko yun pero hindi ko muna kinain. Wala akong ganang kumain ngayon dahil sa nangyari.
"Hindi gagaling ang batang yan sa pagtitig mo lang sakanya. Kaulangan mo ring kumain para magkaroon ka ng lakas para bantayan siya."
"Alam mo pare nung nakita ko siyang nanginginig kagabi bigla akong natakot. Akala ko mamamatay siya sa mga kamay ko. Natakot ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kung sa anak ko yun nangyari? Napaka walang silbi ko. Wala akong alam gawin kung hindi mag waldas ng pera, mag bisyo at maglaro. Kaya siguro hindi na ako binalikan ni Julia. " Napaka sakit na katotohanan pero totoo. Kapag naiisip ko yun parang nawawalan na ako ng pag asang mabuhay..
"Pare huwag mong sabihin yan. Ikaw na ang nagsabi na inilayo lang siya sayo nung g*gong Calvin na yun. Mahal ka ni Julia pare."
"Kung mahal niya ako bakit hindi na siya bumalik? Sa loob ba ng limang taon hindi niya nagawang maka takas sa g*gong yun? Baka naman bumuo na sila ng sarili nilang pamilya at masayang masaya na sila ngayon." Nag kuyom ang mga kapag naiisip ko yun.
"Paano kung hindi pala ganun yung nangyari? Paano kung tinatakot lang siya ni Calvin para hindi siya bumalik sayo."
"Tinatakot? Ano naman ang panghahawakan ng g*gong yun kay Julia?"
"Hindi ko alam. Baka isang bagay na takot mawala ni Julia."
Isang bagay na takot siyang mawala sakanya?
Habang iniisip ko kung ano yung bagay na yun ay bigla namang nagising ang bata. Kaagad akong tumayo at nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang noo niya at mejo mainit init pa siya. "Nagugutom ka ba? May maskit ba sayo?" Bigla siyang umiling."Papa.. I want my mum back.."
Nagulat ako nang tawagin niya akong papa. Naalimpungatan yata siya. Bigla tuloy kaming nagka tinginan ni Kevin. Umupo ako sa tabi niya saka ko hinawi ang buhok niya sa likuran ng tenga niya. "Magpagaling ka na, paglabas mo hahanapin natin ang mama mo."
Tinignan niya lang ako ng may paninigurado saka ako tumango sakanya. "Mag promise ka din na magpapagaling ka." Tumango siya saka ako ngumiti sakanya at inayos ko uli ang buhok niya.
"Mabuti nagising ka na. Hindi kasi kumakain tong si Nate dahil nag aalala siya sayo. Ngayon ko lang siya nakitang nag panic ng ganyan, wag ka na ulit magkaka sakit ah."
Natawa ako kay Kevin, as if naman maiintindihan ng bata yung mga sinasabi niya. "Nagugutom ka ba Nathalia?" Tumango siya ng dahan dahan kaya sinabihan ko si Kevin na kung pwede bantayan niya muna ang bata para maka bili ako ng pagkain.
"Ako na bibili pre, dito ka na lang."
"Alam mo ba bibilhin mo?" Tanong ko sakanya.
"Of course! All time favorite ng mga bata, Jollibee."
"Got it men! Thank you."
Paglabas ni Kevin ay sakto namang pagpasok ng nurse. Nilapitan niya si Nathalia saka niya kinuhanan ng temperature.
"Mejo bumaba na ang lagnat niya Sir. Kain muna siya tapos papainumin na siya ng gamot."
"Sige, salamat." Pag alis nung nurse ay tinignan ako ni Nathalia. "Oh good news yun. Malapit ka nang gumaling at malapit na rin nating hanapin ang mama mo." Tuwang tuwa siya sa nabalitaan niya, sobrang miss na miss niya na ang mama niya. Mukhang kailangan ko uling tawagan yung kaibigan kong private investigator para ipahanap ang mama niya. "Gusto mo bang manuod ng TV?" Tanong ko sakanya dahil kailangan kong tumawag muna sa labas. Tumango naman siya kaya binuksan ko ang TV saka ako nagpaalam na lalabas muna para maka tawag.
Tinawagan ko yung kaibigan ko pero kulang pa ang impormasyon na naibigay ko kaya magkikita pa raw kami sa isang araw.
Pagpasok ko ng kwarto ay wala na si Nathalia sa kama niya. Muntikan na akong mag panic pero nakita ko siya na naka tutok sa TV. "Anong ginagawa mo jan?" Tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomantikNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...