Sa kahimbingan nag tulog ko many naramdaman akong pumipindot sa pisngi ko. Ano ba yun??
Pagmulat ko nakita ko si Julia na naka tingin sakin. Hindi lang yun basta tingin kundi naka titig siya sakin at sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa't isa.
"Good morning darling. Bakit jan ka natutulog?"
Lumayo ako sakanya at umiwas ako ng tingin. "Huwag mong sabihing wala ka na namang maalala?"
Itinutok niya yung daliri niya sa ulo niya at nag isip siya. "Uhm.. wala akong maalala maliban sa pag gising ko na hawak mo yung kamay ko."
Tinignan ko nga yung kamay namin at magka hawak yun. Agad kong binawi yun saka na ako tumayo. Tinignan niya yung suot niyang damit tapos tumingin siya sakin. "Ikaw ba yung nagbihis sakin?"
"Ano?? Syempre hindi! Bakit ko naman gagawin yun? Anong tingin mo sakin, manyak?"
Umalis na ako doon at nagpunta sa bathroom. Ang aga aga binubwisit niya ako. Pumunta ako sa harap ng salamin at tinignan ko yung mukha ko. "Bakit ko naman sasabihin sakanya na binihisan ko siya diba?"
Pero aminin mo nagandahan ka sa katawan niya diba? At kung wala lang siyang sakit ay baka may nangyari na sainyo.
Niyugyog ko yung ulo ko. Ano bang sinasabi ng utak ko?? "Kahit kailan hindi ako papatol sa Cyborg na yun. Pirma niya na lang yung hinihintay ko dahil ipinadala na nung abogado ko yung mga papel noong isang araw."
Naligo na ako at pagkatapos ay lumabas na. Mabuti naman at wala na siya dito, hindi ako mapakali sa presensya niya. Naiinis pa ako sa mapang akit niyang titig. "Tsss! As if naman mahuhulog ako sakanya."
Pero teka, anong oras na ba? Baka mamaya malate ako sa trabaho. Pumunta na ako sa closet ko at kumuha ng damit na isusuot nang biglang..
*blag*
Halos malaglag yung towel sa bewang ko dahil sa pagka gulat ko. Ano na naman bang nangyari sa babaeng ito at bigla bigla na lang nanggugulat??
"Nasaan na yung regalong ibinigay sakin ni Calvin kahapon?"
"Regalo??" Saka ko lang naalala yung iniabot sakin ni manang kahapon. "Ah yun ba? Itinapon ko na, akala ko kasi basura eh."
"Ano?? Saan mo tinapon??"
"Sa basurahan. Saan pa ba?"
Tinignan niya lang ako ng masama bago siya tuluyang lumabas at pabagsak na sinarado yung pintuan. Nasisiraan na naman siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagbihis na ako, pagkatapos ay bumaba na ako. Inabutan ko si manang na naghahanda ng almusal kaya nilapitan ko siya.
"Manang."
"Ay sus ginoo! Ano ba naman kayo ser, bakit naman kayo nanggugulat?"
"Sinabi niyo ba kay Julia yung regalo kahapon?"
"Ay oo ser nabanggit ko po eh."
Napapikit ako napa buntong hininga. Kahit kailan talaga si manang panira ng sikreto eh. "Bakit niyo sinabi? Diba usapan natin sikreto lang yun?"
"Eh parang alam niya ser eh. Tinatanong niya ako kung meron daw bang nagpadala ng regalo kaya ayun nadulas ako."
"Sigh.. Manang.."
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
Lãng mạnNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...