My Cyborg Wife-02 Part of me

1.7K 64 0
                                    



Pag-uwi ko sa bahay patay lahat ng ilaw. Lumayas na kaya siya?? Mabuti naman kung ganun para wala ng bwiset sa buhay ko.

Binuksan ko yung ilaw at dire diretso akong pumasok.




"Bakit ngayon ka lang?"




"Woah!!" Akala ko aatakihin ako sa puso sa sobrang pagka gulat. Nakatayo siya sa may hagdan tapos naka bothrobe, naka tapis ng towel ang ulo at may white cream sa mukha. Sino bang hindi matatakot sa get up niya?? Baliw ba to??




"Ang sabi ko bakit ngayon ka lang? alas nuebe na ah."




"Nag overtime ako, bakit ba?" Pwede palang maligo ang mga robot??




"Overtime??"




Lumapit siya sakin at inamoy amoy niya ako. May lahi bang aso tong babaeng to?? "Hoy anong ginagawa mo?"




"Nag overtime ka sa pag inom at hindi sa trabaho."




"Eh ano naman ngayon?" Sagot ko saka ako umakyat papunta sa kwarto.




"Hindi ka na binata kaya huwag kang sumama sa mga barkada mong parang teenager kung maglakwatsa."




Mula dito sa itaas ay tinignan ko siya. "At sinong nagsabi sayo susundin ko ang mga sinasabi mo?"




"Ako lang naman. Si Julia Fontanilla na asawa mo."



"Tss!" Iniwan ko siya doon at pumunta na ako sa loob ng kwarto para magbihis pero sadyang feeling close ito at pumasok sa kwarto ng hindi man lang kumakatok.




"Nathan, ayokong maging gaya ng ibang asawa na ayaw uwian ng mg mister nila dahil nagsasawa na sila sa bibig ng mga ito, kaya sana gawin mo yung trabaho mo bilang isang mabuting asawa."




Pagkasabi niya nun lumabas na siya ng kwarto. Anong nangyari dun?? kanina lang nanenermon tapos ngayon biglang bumait?? Mooding robot.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa kusina. Bigla kasi akong nagutom eh, sana nga lang may pagkain dito. Binuksan ko yung fridge at kumuha ako ng kahit anong makakain doon pagkatapos ay sinarado ko na.




"Ano yan??"





Sa sobrang pagkagulat ko ay nabitawan ko lahat ng hawak ko.




"Ano ba!! Bakit bigla ka na lang sumusulpot kung saan?!"




"Bakit ka ba naghahanap ng pagkain sa ref? hindi mo ba nakita yung nakahain sa mesa?"




Sa mesa?? Tinignan ko sa may dining area at may mga pagkain nga sa mesa.




"Kumain ka na doon ako ng bahala dito."




Kumuha siya ng basahan saka niya niligpit yung mga nahulog na pagkain sa floor. Hinayaan ko na lang siya at kumain na ako.

Ngayon ko lang natikman yung luto niya, may ibubuga naman pala siya.




"Aalis na ako. I-lock mo yung mga pintuan at matulog ka na ha?"




Sinundan ko siya ng tingin, bakit ganun yung suot niya?? mag ba-bar hopping ba siya?? eh halos kita na yung kaluluwa niya sa dress niya, hanggang tuhod nga yun pero sobrang hapit sakanya tapos naka expose pa yung dibdib niya.



"At saan ka naman pupunta?" Ayoko sana siyang tanungin dahil baka isipin niya na concern ako sakanya.




"Isn't told you yesterday na ako na ang magpapatakbo ng bar mo?"




My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon