My Cyborg Wife-15 Plan A, B and C

1.3K 38 0
                                    

Julia's POV

Nandito ako ngayon sa guest room at nakahiga sa kama. Wala akong magawa at na boboring ako. Ayokong lumabas dahil nandun si Nathan. Parang tanga lang kasi kahapon pa siya hindi pumapasok sa trabaho.😒😒 Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko at bakit hindi parin ako umalis sa pamamahay niya.

Biglang nag ring ang phone ko at tinignan ko muna kung sino ang tumatawag at nakita ko ang number ng tatay niya. Hindi yun naka register pero memorize ko. Agad ko itong sinagot.














"Hello?"













"Kumusta ang deal kay Arnulo?" Bungad agad niya sakin. Hindi man lang nag hello.😑😑


















"Inaayos na po ni Calvin ang lahat. Pumirma na siya ng kontrata pero ilang percent lang ang share niya."


















"Gusto kong maging malinaw ang lahat. Malaki ba ang chance na lumaki pa ang shares ni Arnulo."




















"Opo sir." Sabi ko. Sh*t! Muntikan ko na nga palang makalimutan na makikipagkita sa amin si Arnulo para sa meeting.


















"Good." Akala ko ibababa niya na pero bigla na naman siyang nagtanong. "How was Nathaniel? Tumino na ba siya?"
















"Opo.." Yun na lang ang nasabi ko. Ayokong makapag sinungaling sakanya dahil baka pag nalaman niyang lalong lumala ang anak niya ay pagbuntungan niya ng galit ang pamilya ko.


















"How was being his wife? Hindi ka naman siguro nahuhulog sakanya."


















"Hindi po sir." Huminga ako ng malalim pagkatapos kong sabihin yun dahil para akong naka silya elektrika dito.


















"Good. Basta bantayan mo lang sila, patinuin mo si Nathaniel at kapag nakita ko na yun ay may iba na akong misyon na ipapagawa sayo."
















"Maliwanag sir." Pagkatapos ay ibinaba niya na ang tawag. Sumandal ako sa headboard ng kama. Parang biglang sumakit ang puso ko dun sa sinabi niya. "Huwag ka nang mahuhulog kay Nathan, Julia.. Wala ka ring mapapala.. Sigh.." Bumangon na ako saka nagpunta sa kusina para magluto. Nadaanan ko si Nathan sa living room pero hindi ko siya pinansin at dire diretso lang ako. Iisipin ko na lang na hindi kasama ang puso sa trabaho. Ganun naman talaga kahit nung una pa.

Kumuha ako ng mixed ingredients ko sa ref saka ko yun niluto. Tumatakbo namang lumapit sakin si manang saka mahinang sinabi na nasa labas daw si Calvin. "Papasukin nyo ho." Sabi ko kay manang at nagtataka naman siya.
















"Talaga mam? Anjan lang si ser sa living room."




















Tumango ako sakanya saka ako bumalik sa niluluto ko. Kumuha pa ako ng ibang putahe sa ref para lutuin, baka dito na rin mananaghalian si Calvin dahil mag aalas dose na.

















"Ang bango ng niluluto mo ah." Paglingon ko nakita ko si Calvin na may dalang bulaklak at naka sunod naman sakanya si Nathan.




















My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon