My Cyborg Wife-10 Undenial Feelings

1.2K 44 1
                                    

Nathan's POV


Pagkatapos kong ihatid si Joyce ay kaagad akong umuwi sa bahay. Pagdating ko ay umakyat ako sa itaas at hinanap ko siya. Wala siya sa lungga niya at wala din sa kwarto.😡😡😡

Kumukulo talaga ang dugo ko sakanya lalo pa nung makita kong naka kapit siya sa lalaking yun!! Sinubukan ko siyang tawagan pero naka patay ang phone niya. "D*mn you Julia!" Nagpunta ako sa dining at nagpakuha ako ng alak kay manang. Pagbalik niya ay pinagsabihan ko siya. "Bakit nyo hinayaang sumama si Julia sa lalaking yun? Sinabi ko na diba? Huwag nyong hayaan na magpunta dito ang lalaking yun!"


"Sorry ser, hindi ko naman alam na umalis si mam kasi akala ko natutulog siya sa guest room at masama ang pakiramdam."


"Sa susunod na maka lusot uli siya mawawalan na kayo ng trabaho!"


"Pasensya na ser." Pagkasabi niya nun ay pina alis ko na siya saka ako nagsalin ng alak sa baso at inistraight ko ito. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ng babaeng yun! Sinasagad niya talaga ang pasensya ko!! "Masama ang pakiramdam?"😏 umuwi pa ako kanina para lang dalhan siya ng pagkain pero natutulog siya kaya hindi ko na siya inistorbo tapos ngayon makikita ko siya sa hotel na ganun ang suot at ayos na ayos? "T*ng ina niya!" Hinagis ko yung baso at saka ko ininom yung laman ng bote. Humanda talaga siya sakin pagdating niya!!

Tumayo ako at kukuha sana nang alak nang may marinig akong tunog ng makina na huminto sa tapat ng bahay at narinig kong bunukas ang gate. Hinintay ko siyang pumasok at pagpasok niya ay iba na ang suot niya. "Where have you been?" Tanong ko sakanya. Tinanggal niya ang cap niya saka siya dire diretsong naglakad papalapit sakin. Hahalikan niya sana ako pero umiwas ako.


"I'm sorry darling.. May inasikaso lang ako." Maglalakad na sana siya paakyat sa kwarto pero hinila ko siya pababa.


"Inasikaso? Alas dos ng madaling araw may inasikaso ka?"


"Lasing ka. Mag usap na lang tayo bukas."


"Hindi na ito pwedeng ipagpabukas." Hinila ko siya at kinaladkad paakyat sa kwarto, inilock ko ang pntuan at marahas ko siyang itinulak sa kama.



"Ano bang ginagawa mo Nathan?!"


"Malalaman mo rin!" Tinanggal ko ang polo ko saka ako pumatong sakanya at marahas ko siyang hinalikan.


"Nathan ano ba!" Pilit niya akong tinutulak palayo pero mas hinigpitan ko lang ang paghawak ko sakanya. "Bitawan mo ako nasasaktan ako!"


Kahit anong sigaw niya ay ara akong walang naririnig. "Matagal mo nang gusto to diba? Pagbibigyan kita." Pinunit ko ang suot niyang damit pati na rin ang panloob niya.



"Nathan huwag mong gawin yan! Bitawan mo ako parang awa mo na!"



Sa sobrang galit ko sakanya ay wala na akong naririnig. Inanggal ko na ang pantalon ko at pati na rin ang sakanya at pagkatapos ay ginawa ko na ang matagal na dapat naming ginawa bilang mag asawa.




***



Pag gising ko wala na si Julia sa tabi ko. Napa hawak na lang ako sa noo ko nang maalala ko yung nangyari kagabi, hindi ko napigilan ang sarili ko at huli na nang malaman kong wala pa pala siyang karanasan. "Ang g*go mo Nate!" Tinignan ko ang orasan sa may side table ng kwarto at alas nuebe na pala ng umaga kaya bumangon ako at nag shower. Habang naliligo ako ay hindi ko parin makalimutan ang mukha ni Julia kagabi, umiiyak siya at nagmamaka awang ihinto ko yung ginagawa ko pero hindi ako nagpa pigil sakanya.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nagpunta sa ibaba para hanapin si Julia. Wala siya sa kusina, sa living room pati na rin sa garden kaya nang makita ko si manang ay tinanong ko siya.


My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon