Nang malaman ni Nathaniel ang nangyari kay Don Arnulo at sa impostora ni Julia ay kaagad niyang tinawagan si Cedric at ipina imbestigahan ang nangyari. Natitiyak niyang may kinalaman rito si Calvin.
"Masyadong malinis ang pagkaka trabaho sakanila, kahit ang mga pulis ay hirap sa pagtukoy sa nangyari."
"Pero isa lang ang naiisip kong may gawa nito." Alam ni Cedric kung sino ang tinutukoy ni Nathaniel at yun ay walang iba kundi si Calvin. "Mag handa ka, pupunta tayo sa bahay ni Calvin mamayang gabi. Mag back up ka ng pulis."
"Sigh.. Matagal mo na dapat ginawa yan."
Nag plano ang dalawa sa pagpunta nila sa bahay ni Calvin dala ang mga pulis. Tama si Cedric, nang malaman niyang naka balik na sa bansa si Calvin dapat ay ipinakulong niya na ito upang hindi na siya naka gawa pa ng krimen.
***
Nasa labas ng bahay ni Calvin si Nathaniel at hinihintay niya itong dumating. Pinasundan niya ito sa trabaho pero masyado siyang maraming bantay kaya hindi naka kilos ng maayos ang mga inutusan niya. Halos maghahating gabi na nang may dumating na sasakyan. Kaagad siyang bumaba at lumapit sa sasakyan. Wala siyang takot dahil anumang oras ay may darating na pulis kasama ni Cedric. Huminto ang sasakyan ngunit walang lumalabas. Ang hindi alam ni Nathaniel ay naka tutok sakanya ang tatlong baril mula sa loob ng sasakyan.
Bumukas ang pintuan ng passenger seat at lumabas mula roon si Calvin at ganun din ang driver at dalawa nitong body guard na may mga dalang mga baril na naka tutok kay Nathaniel."Hindi nga ako nagkamali sa nakita ko nung isang araw. Nandito ka na nga."
"Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras ng gabi?" Tanong sakanya ni Calvin. "Mukhang hindi mo yata alam ang pinapasok mo."
"Sa tingin mo ba may kinatatakutan pa ako pagkatapos ng mga ginawa mo sa pamilya ko? Mamamatay tao."
Tumawa lamang ito. "Wala akong ideya sa sinasabi mo."
"Talaga?" Tumawa rin ito at pagkatapos ay sakto namang dumating ang mga pulis kasama ni Cedric. Pinaligiran sila ng mga ito at inutusang ibaba ang dalang mga baril. Itinaas nila Calvin ang mga kamay at nang ipoposas na siya ng pulis ay umiwas siya.
"Gusto kong malaman kung bakit niyo ako hinuhuli. Wala kayong warrant."
"Hinuhuli ka namin sa salang pagpatay sa misis ni Mr. Fontanilla."
Muli siyang tumawa ng malakas at umiwas nang hahawakan na siya ng pulis. "Kalokohan ang sinasabi ninyo. Naniniwala kayo ng walang ebidensya?"
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomantikNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...