Nagising ako nang marinig ko si Julia sa bathroom na umiiyak. Kaagad akong tumayo at kinatok siya. "Love anong nangyayari sayo?" Narinig ko siyang nagsusuka doon at pagkatapos ay umiiyak.
"Nathan tulungan mo ako. Hindi na ako makahinga."
Pumasok ako doon saka ko siya nilapitan. Naka upo siya sa sahig at basa na ang kukha niya ng luha. Yung buhok niya dumikit na din sa mukha niya. Kaagad kong kinuha yung towel na nakasabit at pinunasan ko siya.
"Anong nangyari sayo? Kaya mo ba? Dadalhin na kita sa ospital.""Basta pag gising ko kanina bumaliktad ang sikmura ko tapos nagsuka na ako hanggang sa mahirapan na akong huminga."
"Halika na dadalhin na kita sa ospital." Tinulungan ko siyang tumayo pero ang sabi niya dito na lang muna daw siya at magpapahinga. Iniupo ko siya sa couch at umupo ako sa tabi niya. "Pancake lang kasi ang kinain mo kagabi, baka hindi napuno ang sikmura mo."
"Love, gusto ko ng pancake and hot choco."
"Pancake? Kaya nga sumakit ang sikmura mo dahil--"
"Basta yun lang ang gusto kong kainin please.."
"Okay. I'll order a pancake." Kinuha ko yung telepono para magpa room service sana pero hindi sila sumasagot kaya nagpaalam ako at ako na ang bumaba.
"Hi Nathan! Where is Juliana? Hindi ba siya sasamang mag yoga?"
Yung kaibigan niyang ikakasal yung tumawag sakin kasama niya yung mga iba nilang kaibigan. "Good morning, masama ang pakiramdam ni Julia ngayon. Bumaba lang ako para i-order siya ng pancake at hot choco. Pero tatanungin ko siya kung makakasama siya."
"Ah okay. Sunod na lang kayo if ever."
"Sige." Nagpaalam na sila at dumiretso na ako sa reception area para magpa room service ng breakfast namin ni Julia. Pag akyat ko nakita ko siyang pumasok sa room ni Calvin. Nagduda ako kaya sumunod ako, papasok sana ako kaya lang napansin kong hindi niya naisara ng maayos ang pintuan at narinig ko si Julia na parang galit dito.
"Sabihin mo sakin. May alam ka ba sa nangyayari?"
Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag uusapan nila dahil hindi ko naman naririnig na nagsasalita si Calvin.
"Bakit kailangan buong buhay ko magdusa ako? Hindi pa ba sapat na itnakwil ako ng pamilya ko at ginawang pamb--"
"Stop it Juliana please!"
Nag iba na ang boses ni Julia at parang naiiyak na siya. Itinakwil siya ng pamilya niya? Dahil ba yun sa pagkamatay ng mama at ate niya?
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...