Tatlong araw simula nang maiuwi sa bahay nila si Julia pero hindi parin ito gumigising. Sa tatlong araw na yun ay nanatili sa bahay ni Nathaniel ang ama at ina niya ganun din ang biyenan at bayaw niya upang alalayan at samahan siya sa pagbabantay kay Julia. Nawawalan man sila ng pag asa ngunit hindi si Nathaniel, alam niya na anumang oras ay gigising ang asawa nito at magkakasama na sila ng kanilang anak.
Sa sala ay nag uusap ang anim at sinabi ng ama ni Nathaniel na hindi na gigising si Julia dahil tuluyan nang pinahinto ng gamot ang kanyang puso. Nakakalungkot man ngunit nakapag desisyon sila na kausapin si Nathaniel tungkol dito. Kumatok ang kanyang ama sa kwarto at pinatuloy naman niya ito. Naabutan niya ang anak na pinupunasan ng bimpo ang asawa.
"Nathaniel, pwede ba tayong mag usap?" Bungad nito pagpasok. Hindi napansin ni Nathaniel na siya pala ang pumasok at nang makita ito ay ipinagpatuloy lamang niya ang ginagawa sa asawa.
"Wala na sakin yun, pinatawad na kayo ni mama kaya ayos na sakin yun."
"Talaga?" Nagalak ang matanda dahil sa narinig niya mula sa anak. Tumango lamang ito at hindi na nagsalita. "Nathaniel.." Tinignan siya nito at hindi niya naituloy ang sasabihin sana niya kanina dahil baka magalit uli ito sakanya. "Salamat anak at pinatawad mo na ako. Lalabas na ako." Tumango lamang siya at lumabas na ang matanda. Paglabas niya ay naabutan niya ang lima na nakikinig sa may pintuan at nakiki balita sa napag usapan nila.
"Oh ano nasabi mo na ba? Bakit ang bilis mo?" Tanong ng asawa.
Naluluha lamang ito at hindi nakapag salita.
"Ano bang nangyari kumpadre? Ano bang napag usapan ninyo?"
Umiyak siya saka sinabi kung ano ang napag usapan nila ng anak.
"Eh pano yung tungkol kay Julia, Dad?" Tanong ni Travis.
"Hindi ko na nasabi kasi baka magalit na naman siya sakin."
"Pwes! Kung hindi mo kayang sabihin, ako ang magsasabi sakanya." Papasok sana ang asawa niya sa kwarto pero biglang bumukas ang pinto at lumabas si Nathaniel.
"Anong meron dito?" Bungad niya.
"Ah.. Wala, bibisitahin lang sana namin si Julia." Sagot ng ina. Tumango lang si Nathaniel saka hinanap ang anak.
"Naglalaro siya kasama sina Princess." ~Aimee
"Uminom ka na ba ng mga gamot mo? Mukha kasing hindi ka okay."
"Ayos lang ako kuya, ininom ko na ang mga gamot ko. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hindi pa gumigising ang asawa ko. Paki tignan tignan na lang si Nathalia." Pagtapos ay isinarado niya na ang pintuan. Sumandal siya sa pintuan at narinig niya na pinag uusapan nila ang kundisyon ng asawa. Naluha na lamang siya sa mga narinig. Naniniwala siya na gigising pa ang asawa niya at magkakasama pa sila. Sa araw araw ay yun ang panalangin niya na sana ay mabuo ang kanilang pamilya bago man lang siya pumanaw. Bawat araw na dumaraan ay nararamdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan pero kailangan niya itong labanan dahil hinihintay niya ang araw na mabubuo ang pamilya nila. Pero mangyayari pa kaya yun? Gayong limang araw na mula nung inumin ni Julia ang gamot? Naka oxygen ito at dextrose at mainit parin ang balat nito, halatang buhay pa siya at parang natutulog lamang.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...