"Anong niluluto mo baby?"
"Yung favorite ni daddy, Mongolian barbecue. Ito ang specialty ni mommy, sigurado matutuwa siya kapag natikman niya to. Malapit nang matapos to, maligo ka na."
Imbes na sundin ko ang sinabi niya ay nilapitan ko siya at njyakap. "Na miss kita babe."
"Ako din."
"Sana ganito na lang tayo palagi." Hinawakan niya ang mga kamay ko saka siya humarap sakin. Pagkatapos ay hinawakan niya ang pisngi ko sa dalawa nkyanv kamay saka siya ngumiti at hinalikan ako sa labi.
"143 3x a day."
Bigla akong natawa sakanya. Bakit hindi niya kasi masabi ang I love you ng diretso? Kailangan niya pang mag imbento ng mga numbers. "I love you more Julia, more than three times a day." Bigla siyang ngumiti.. Na miss ko lalo siya sa mga ngiti niyang yun. Alam ko nananaginip lang ako, sana hindi na ako magising sa napakangang panaginop na ito. Niyakap ko uli si Julia pero bigla na siyang nawala sa panonhin ko. "Julia? Julia nasaan ka?"
"Julia!" Biglang namulat ang mga mata ko at nagising ako sa katotohanan na wala dito ang asawa ko. T*ngina andito na naman ako nag mumukmok. Bumabalik na naman yung sakit. Bakit ba kailangan kong maranasan to? Hindi lang sa isa o dalawang babae ako nabigo, kundi sa tatlo. Ganito ba talaga ang kapalaran ko? Ilang beses pa ba ako dapat masaktan bago ko mahanap yung tamang tao? Ayoko na! Huli na si Julia Bro, parang awa mo na ibalik mo na siya sa akin.. Ibalik mo na sila sakin ng anak ko.. Masyado nang masakit to.
Bumangon ako at naligo, saka ko naalala yung bata sa ospital. Dadalhan ko pala siya ng mga damit niya. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko yung maleta niya at pinanguha ko siya ng gamit. Hindi ganun ka puno ang maleta niya at sa gitna nun may isang box na kulay rosas. Hindi ko ugaling makielam ng gamit ng iba pero kusang gumalaw ang mga kamay ko dahil may nakita akong mga sticky notes na may sulat. Binasa ko yun isa isa..
"Be strong baby, for mom and dad."
"Remember that we always love you, no matter what happen.."
"Good morning my baby, rise and shine. Take a bath and eat your breakfast. Love, mom."
Natawa ako sa mga sticky notes na to, marami pa yun pero yung iba mga drawings na lang. Baka kasi hindi pa marunong magbasa yung bata at na realize yun ng mama niya kaya puro drawing na yung iba.
Sa ibaba ng mga sticky notes, may mga greeting cards na galing din sa mama niya at papa niya.
Napaka saya siguro ng pamilya nila, pero bakit sila nagka hiwa hiwalay?Nag tingin tingin pa ako sa loob ng kahon, baka sakaling makita ko yung address nila at sa pinaka ibaba ay may mga pictures, picture niya siguro to nung baby pa siya, naaliw ako at tinignan ko isa isa. Napaka OC siguro ng nanay ng batang ito, naka pollaroid yung picture ni Nathalia simula 1st month niya tapos may naka sulat na Hello daddy! This is me Nathalia! Tapos sa yung mga sumunod na picture ganun din, may mga maiikling messages. Pinagtiyagaan kong tignan yung mga pictures isa isa pero di ko na binasa yung mga messages at nung bandang huli na ay nagulat ako nang makita ko si Julia isang larawan doon. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at mabilis kong tinignan yung mga huling larawan at kasama nung bata si Julia. "Anak ko si Nathalia?"
Naghanap pa ako ng larawan sa box pero mga papeles ang nandoon. Tinignan ko yun isa isa at nakita ko ang birth certificate niya. Mabilis na hinanap ng mata ko ang katibayan sa magulang ng bata at nang makita ko ang pangalan namin ni Julia ay para akong nanigas sa kinauupuan ko. Ilang minuto rin akong tulala bago ma absorb ng utak ko ang lahat. Ibinalik ko lahat ng papel sa box at nagmadali akong pumunta sa ospital. Parang kanina lang, sinabi ko kay Bro, na si Julia na ang huli, senyales ba to' na malapit na uli kaming magkita? Binilisan ko pa ang pagmamaneho ko saka ko tinawagan si Kevin.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...