My Cyborg Wife-25 Bistado

976 22 0
                                    

"Babe!" Patakbo akong lumapit kay Nathaniel saka ko siya niyakap. Tuwang tuwa talaga ako dahil nagustuhan nilang lahat ng niluto kanina. Ang galing talaga ni google eh.😁👌 "Anong masasabi mo sa luto ko?" Natahimik kasi siya kanina habang kumakain kami.

"Masarap."

"Sinasabi ko na nga ba eh. Masarap talaga akong magluto, tinatamad lang talaga ako minsan." Lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap ko sakanya. "May request ka bang ibang pagkain? Para ipagluto kita sa susunod."


"Wala." Pagkasabi niya nun ay tinanggal niya ang mga kamay kong naka yakap sakanya saka siya tumayo. Ano bang problema ng lalaking to?? Ang dry niya masyado, hindi naman siya ganyan nung una ah.
Tumayo din ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko.


"May problema ka ba sakin Nathaniel?!" Bigla siyang nahinto sa paglakad niya pero hindi siya lumilingon sakin. "Pagkatapos ng lahat ng mga panloloko mo sakin nandito padin ako at tumatayong asawa mo, tapos ganyan ka pa maki tungo sakin?!"


"Anak anong nangyayari dito?"


Biglang dumating ang mama niya pati na din sina Aimee. Gagalingan ko na ang pagda drama ko para ako ang kampihan nila.😏 "Tinanggap kita kahit na harapan mo akong niloloko, kahit na napaka babaero mo. Kahit--"


"Tumigil ka na! Alam mo bang muntikan mo na akong mapaniwala?"



Lumapit siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko at pagkatapos ay dinala niya ako sa kwarto sa itaas at nilock ang pintuan. Marahas niya akong itinulak sa kama at napaka sama ng titig niya sakin.


"Ngayon ka magsalita. Sabihin mo sakin kung nasaan ang tunay na Julia."


Biglang lumakas ang pagtibok ng dibdib ko. T*ngina pano niya nalaman?? Patay na ako neto. "A..ano bang sinasabi mo??"


"Kilala mo ba ang lalaking ito?"


May pinakita siyang picture ng lalaki sa phone niya. Teka iniisip ba niya na may lalake ako?? "H..hindi ko kilala ang lalaking yan!"


"Alam ko, dahil hindi naman talaga ikaw ang tunay niyang kapatid."


Kapatid?? Teka! Oo nga may kapatid palang lalaki si Julia!!
Bigla siyang lumapit sakin at hinawakan niya ako ng mahigpit sa leeg. Hindi ako maka hinga sa higpit ng pagkaka hawak niya. "Aray ko Nathaniel.."


"Nasaan si Julia? Si Calvin ba ang may pakana nito?"


Itinutulak ko siya pero masyado siyang malakas. "Hindi ako makahinga.. Bitawan mo ako.." Niluwagan niya ng kaunti ang pagkakahawak niya saka niya uli ako tinanong.


"Sabihin mo sakin kung sino ang naka isip nito at kung nasaan si Julia, baka sakaling bibigyan pa kita ng pagkakataong mabuhay."

Natatakot ako sakanya. Para siyang sinasapian ng masamang espiritu. "H..hindi.." Yun palang ang sinasabi ko pero hinigpitan niya uli ang pagkaka hawak sa leeg ko. T*ngina bistado na ako!




"Sasabihin mo ba o papatayin kita?!"


"Kahit patayin mo ako hindi ko sasabihin!"



Biglang lumuwag ang pagkaka hawak niya sakin saka siya lumayo sakin at pinag sisipa niya ang mga gamit sa loob ng kwarto. Hindi naman din ako naka bangon dahil sa kaba.



"Paano ninyo nagawa to sa amin ni Julia?! Nasisigurado ko na buntis si Julia, KAYA SABIHIN MO SAKIN KUNG SAAN SIYA DINALA NI CALVIN!!"



Nilapitan niya ako at akala ko ay susuntukin niya ako pero hindi tumama sa mukha ko ang kamao niya. Jusme, nakakatakot siya. Kailangan ko nang maka alis dito sa lalong madaling panahon, dahil baka mapatay niya pa ako. "H..hindi ko alam.. K..kahit patayin mo ako hindi ko sasabihin.."



My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon