Chapter-30 Meeting Her Lolo

915 23 2
                                    

Apat na araw na si Nathaniel sa ospital at hanggang ngayon ay hindi parin ito nagkaka malay. May mga kaibigan silang nagsi datingan para kumustahin siya at ipanalangin ang agaran nitong pag galing.

Muling bumisita ang kaibigan nitong si Kevin sa pangalawang pagkakataon, noong pangalawang araw ni Nathaniel sa ospital ay bumisita rin ito ngunit sumaglit lamang dahil may kailangan pa itong asikasuhin sa opisina. Siya kasi ang gumagawa ngayon sa mga trabahong naiwan ni Nathaniel.









"Kung kelan niya nakita ang anak niya, saka pa siya nagka ganyan."











Nagtaka si Travis sa sinabi ni Kevin at tinanong ito kung ano ang ibig sabihin niya sa sinabi.










"Si Nathalia, yung batang pinatuloy niya sa bahay niya. Wala ba siyang nababanggit sainyo?"











Umiling si Travis saka ikinwento ni Kevin ang sinabi sakanya ni Nathaniel bago ito ma aksidente.











"Kung ganun, nasaan ang asawa niya? Bakit yung bata lang ang nandito."











Nag kibit balikat lamang ito. Kahit siya ay nabitin rin sa kwento ng kaibigan dahil nga nagmamadali ito na magtungo sa ospital nung huli silang magka usap.












"Nasaan ang bata ngayon?"












"Nasa bahay muna siya, kasama yung dating kasambahay ni Nate. Na discharge siya two days ago. Sinabi ko sakanya na si Nate ang daddy niya pero parang wala lang sakanya, hindi siya masyadong nagsasalita eh. Gusto ko nga sana siyang isama dito kaya lang hindi kasi pwedeng isama ang bata dito."












"Kung dalhin mo na lang kaya siya sa mansyon para hindi na siya maka abala sainyo ng asawa mo."












"Ayos lang naman sa amin na nandun yung bata, gustong gusto siya ni misis. Pero kung gusto siyang kunin ni madam, wala naman akong magagawa dahil apo niya rin yung bata."













"Sigurado akong matutuwa si mama sakanya. Salamat Kevin."











"Walang anuman. Ihahanda ko na ang mga gamit ng bata."











Nagpaalam na si Kevin para maasikaso niya na ang gamit ni Nathalia.
Sa bahay naman ni Kevin ay kasalukuyang pinapakain ni manang si Nathalia. Kagaya ng mga nakaraang araw ay mahina parin itong kumain at mas lalo na ngayon na nalaman niyang nasa ospital ang papa niya. Nang malaman niya ang sinabi sakanya ng tito Kevin niya ay natuwa siya, kahit na alam niya naman talaga na si Nathaniel ang ama niya. Hindi niya lamang sinabi dahil hinihintay niya ang mama niya, umaasa ito na isang araw ay darating ang mama niya at sasalubungin siya nito ng napakaraming halik. Pero alam niya na kahit kailan ay hindi na mangyayari yun dahil wala na ang mama niya..











"Nathalia kumain ka na. Magagalit ang papa mo kapag hindi ka kumain."












Piling lamang ang naging sagot ng bata at saka ito umupo sa isang sulok. Miss niya na ang amoy ng mama niya, pati na rin ang luto nito at paglalambing sakanya at sa tuwing maiisip niya ang masaklap na nangyari sa mama niya ay umiiyak siya.












"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni manang sakanya pero hindi parin siya nagsasalita. Makulit siya noon at madaldal, pero pagkatapos nang nangyari sa mama niya ay hindi na siya nagsalita, na trauma siya sa nangyari. "Tahan na, huwag ka nang umiyak." Hinimas himas ni manang si Nathalia pero hindi parin ito tumatahan. Naalala niya ang paghihirap na dinanas nila ng mama niya kay Calvin.











My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon