My Cyborg Wife-08 Dilemma

1.3K 49 0
                                    

Julia's POV




Sh*t Julia ano bakang ginagawa mo?? Muntikan nang may mangyari sainyo!! Kailangan mong pigilan ang sarili mo okay??

Nilock ko yung pintuan ng cr at pumunta ako sa harap ng salamin at hinawakan ko yung labi ko. First time kong mahalikan ng ganun kaya siguro nawala ako sa sarili ko.




"But... that was the most gentle kiss every woman would dream of.." Biglang sumilay ang ngiti sa labi ko at huli na nung mapansin kong kinikilig ako??? "No way!" Pinunasan ko yung bibig ko at nag toothbrush ako.

Umayos ka nga Juliana!! Aktingan lang to! Huwag kang magpadala sa nararamdaman mo. Huwag kang magpa dalos-dalos!!

Huminga ako ng malalim bago ako lumabas at pagkakita ko sakanya ay natutulog na siya.

Sigh.. mabuti naman.





Nathan's POV




Pag gising ko si Julia agad yung nasilayan ko. Napaka ganda ng maamo niyang mukha, kahit na natutulog siya maganda parin siya..

ANO?? TEKA!! Pinupuri ko ba siya?? Agad kong pinalis sa isipan ko yung naiisip ko at tumayo na ako. Kailangan ko na nga palang pumasok sa trabaho ngayon.






***





Habang nasa office ako pinagmamasdan ko yung brown envelope na nakalapag dito sa mesa ko na ipinadala sakin nung private investigator na hinire ko two months ago. Akala ko nga hindi na siya magrereport sakin pero ngayon nagpadala siya ng report tungkol kay Julia.

Nagdadalawang isip ako na buksan ito dahil nalala ko yung sinabi ni Julia na hindi na ang nakaraan dahil mas mahalaga kung sino siya ngayon.




***




"So, as I was saying we need a new model for the new products na ila-launch natin for next week. Dahil nag back out na si Cynthia."




"Bakit ngayon mo lang yan sinabi sakin?" Sh*t!! Next week na ila-launch yung new products tapos nag back out pa yung babaeng yun?? D*mn her!!




"Dahil hanggang ngayon kinukumbinsi padin nila si Cynthia."




Napahawak na lang ako sa sentido ko. Sa dami ng ginastos sa babaeng yun ngayon pa siya nag back out. Dinadagdagan niya yung problema ko.




"Huwag ka ng magpa stress. Gumagawa naman sila ng paraan para makahanap ng ibang model at sinisigurado namin na mas maganda at magaling kay Cynthia."





Pumunta si Joyce sa may likuran ko at minasahe ako. "Gusto mong mawala ang stress mo?"

Pumunta siya sa harapan ko at naghubad saka siya kumandong sakin at tinanggal yung necktie ko. Napamura tuloy ako ng mahina.





"Joyce not here."





"Don't worry naka lock yung pintuan."





Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya na ako. Sh*t siya ba yung magtutuloy sa nabitin kong init kagabi?

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at sumabay na din ako sa halik niya. Bahala na, palay na ang lumalapit.






***





Julia's POV




"Mam ang sweet niyo kahapon ni ser. Saan kayo nagpunta?"



My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon