Hindi namalayan ni Nathaniel na naka tulog siya sa sobrang kalasingan. Nanaginip siya at sa panaginip niya ay nakita niya ang asawa na naka ngito sakanya, ngunit bigla rin itong nawala nang magising siya.
Pagmulat ng mata niya ay nakita niya ang anak na natutulog sa tabi niya. Niyakap niya ito saka hinalikan sa ulo. Hindi niya patin lubos na matanggap na wala na ang asawa."Papa.."
Hindi niya namalayan na nagising niya ang anak.
"Papa, are you mad?" Tanong nito kay Nathaniel. Umiling naman ito saka humingi ng tawad sa anak.
"I'm sorry for what happened baby." Niyakap niya ito at muling hinalikan. "Tell me that your just joking about the death of mama." Pilit nitong kinukumbinsi ang sarili na buhay pa ang asawa. Uming naman ang anak niya.
"She's gone papa. She's in heaven."
"Tell me what happened."
Tinignan siya ng anak saka nagsimula itong mag kwento.
Flashback..
"Baby, let's take a bath? I have your favorite duck." Pinindot pindot ni Julia ang rubber duck at tawa naman ng tawa ang anak niya na at tumakbo pa ito palayo sakanya dahil ayaw niyang maligo. "Ah ganun ah. Gusto mo pala ng habulan. Wait for me." Hinabol niya ang anak at nang mahuli ito ay dinala niya kaagad ito sa bathroom at inilublob sa bath tub. Binasa siya ng anak kaya sabay na silang nag lublob sa tub.
Naglaro sila gamit ang bula sa tub at saka kumakanta ng five little monkeys nang biglang pumasok ang lasing na lasing na si Calvin.
"Calvin anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Julia saka niya inilabas mula sa tub si Nathalia, aalis na din sana siya pero mabilis siyang nilapitan ni Calvin at sinakal sa leeg.
"Limang taon na Julia. Limang taon na tayong nagsasama sa bahay na ito pero hanggang ngayon si Nathaniel parin ang nasa puso mo!"
"Calvin bitawan mo ako, hindi ako maka hinga!" Pilit na tinatanggal ni Julia ang kamay ni Calvin sakanyang leeg pero masyado itong malakas.
"Let her go!" Pinagpapalo ni Nathalia si Calvin pero itinulak niya lamang ang bata at humampas ito sa sink at nawalan ng malay.
"Walang hiya ka! Bakit mo sinaktan ang anak ko!" Pinagpapalo siya ni Julia pero sinikmuraan siya ni Calvin kaya namilipit siya sa sakit at nawalan ng lakas. Hinawakan siyang muli sa leeg ng napaka higpit at kahit na anong pilit niya ay wala siyang lakas para alisin ang kamay nito sakanya.
"Kung hindi ka rin lang mapapa sakin Julia, mabuti nang wala nang makinabang sayo."
Inabot ni Julia ang medicine cabinet saka siya kumuha ng gamot ng hindi namamalayan ni Calvin.
"Napaka walang puso mo!! Hindi ka man lang nagkaroon ng kahit konting pagmamahal sakin!"
Hirap na hirap na siyang huminga dahil sa pagsakal sakanya ni Calvin. Pagka abit niya sa mga gamot ay agad niya itong ipinasok sa bibig niya. Tinignan ni Calvin kung ano ang isinubo niya sa bibig pero huli na dahil nalunok niya na ito.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...