My Cyborg Wife-06 Her Past

1.4K 55 2
                                        


"Ikaw na lang ang meron ako.."






Posible kaya na ulilang lubos na siya kaya niya nasabi yun? Naguguluhan parin ako. Hindi ko siya nakausap kanina dahil tulog pa siya nung umalis ako.






"Nate are you okay? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo."






Napatingin ako kay Joyce na kasabay kong nag la-lunch ngayon dito sa office.






"I'm fine, may naalala lang ako."






"As I was saying, bibisitahin ko yung tatay ko sa linggo after nating magbreakfast."






"Ha? Breakfast?"






"Diba nag promise ka sakin na dun ka sa apartment matutulog sa sabado? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na yun?"






"Ah hindi naman." Oo nga pala may usapan kami ni Joyce sa sabado. Masyado na bang ino-okupa ng cyborg na yun ang utak ko at nakakalimutan ko ang pangako ko kay Joyce??

Sigh..






***





Umuwi ako sa bahay ng maaga dahil natapos ko na naman yung mga trabaho ko kahapon at isa pa ang lakas ng ulan, nakaka tamad tuloy magtrabaho.

Pagpasok ko ng kotse sa garahe napansin ko na wala yung isang kotse.




"Manang si Julia ho?"




"Umalis ho kaninang after lunch ser, hindi pa nga ho bumabalik."




"Huh?? San daw ho nagpunta?" Baka mamaya nag suicide na yun.




"Hindi po niya sinabi eh."




Hindi na ako nag usisa pa at umakyat na lang ako sa kwarto. Matutulog na lang muna ako.




*Tok tok*




Pumasok si manang at may dalang isang malaking regalo?? San galing yun??




"Ser may nagpapabigay po nito kay mam."




"Sige bitawan niyo na lang po jan. Salamat."




Pag alis ni manang agad akong tumayo at tinignan ko yung regalo. Ano kayang laman nito?? Inalog alog ko pero hindi ko mahulaan kung ano yung nasa loob.

Kinuha ko na lang yung maliit na papel na nakalagay doon at binasa yung naka sulat.




'Happy birthday pretty Julia.. Hope you will like this simple gift..'

From: Calvin




Birthday niya ngayon?? Akalain mo nga naman nagbi-birthday pala ang mga cyborg?? Pero sandali, san ko na nga ba narinig tong pangalan na to??

Aha! Yun yung lalaki sa ospital. Ang lakas talaga ng loob niya at nagpadala pa siya ng regalo ah.  Binuksan ko yung regalo niya at tinignan ko yung laman nun. Hindi ko alam kung matatawa ba ako oh ano eh pero isa lang naman yung life size bear. Ang corny diba?? Ano si Julia, bata?? Tanga pala yung lalaking yun eh.

Iniligpit ko na yung gift wraper saka ako bumaba at ibnigay ko kay manang yung bear.




"Talaga ser akin na po ito? Naku magugustuhan po ng apo ko ito."




"Huwag niyo nang babanggitin kay Julia na may nagpadala ng regalo sakanya ah."




"Opo ser masusunod."




My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon