Marga's POV
Ola! Ako na naman at hulaan nyo kung anong gagawin ko. Papunta lang naman ako sa trabaho ng asawa ko para tuldukan ang relasyon nila ng kabit nya. Nasabi sakin ni sir Calvin na may relasyon si Nathan pati na rin ang sekretarya niya at papunta ako ngayon doon para mang away. Nag practice na akong mag English para may bala ako pagdating ko dun at para hindi nila ako laiitin.😏😏
ACCP?? Ito na siguro yun. Bumaba ako sa kotse ko at oo may kotse ako, ilang buwan din akong pinag aral ni sir Calvin magmaneho ah, mejo mahirap kasi akong turuan kaya nagtagal pa bago ko palitan si Julia. Sinalubong ako ng guard at binati at halos yata lahat ng mata sakin naka tingin pagpasok ko. Agaw atensyon ba ang pula kong suot? Mula ulo hanggang paa at ang mga alahas ko? Bwahahahaha pang mayaman na pang mayaman. Masilaw kayo mga dukha!
Nagpunta ako sa may reception area kung yun nga ang tawag nila doon saka ko tinanggal ang pula kong salamin. "Excuse me, where is Joyce?""Good morning ma'am. May I know her last name?"
Ano raw? Last name? Apelyido yun diba? "I don't know. But she.. Is my.." T*ng!na di ko na alam kasunod ng sasabihin ko. "Sekretarya ng asawa ko dati. My husband is Nathaniel Fontanilla." Kahit papano english padin yun ah!
"Oh! hi ma'am. I'm sorry I didn't recognized you. Let me just check my computer. Just one second ma'am."
Bahala siya kung anuman ang pinagsasabi niya ang bilis niyang magsalita kaya hindi ko naiintindihan basta ang alam ko may tinignan siya sa computer niya. Habang ginagawa niya yun ay kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan ko yung kodigo ko ng mga sasabihin ko sa malanding yun.
"Ah ma'am she's on the seventh floor beside the manager's office on left corner near the--"
"Isulat mo para matandaan ko." Utos ko sakanya. Ang dami pang sinasabi ang bilis naman magsalita. Natulala siya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay kaya mabilis siyang nagsulat sa maliit na papel at inabot niya yun sakin. Paalis na sana ako pero may isang babaeng hindi ko kilala ang bumati sakin.
"Good morning Mrs. Fontanilla. I'm sorry bago lang po siya dito kaya hindi niya kayo nakilala."
Inisnob ko yung babaeng nagsalita saka na ako nagpunta sa elevator para umakyat sa seventh floor. Nanggagalaiti na talaga ako sa babaeng yun at handa na akong awayin siya.
Pagbukas ng pintuan ay may lalaking ngumiti at bumati sakin.
"Hey! Julia?.." Parang nagulat pa siya sakin. Sino ba tong lalaking to? Baka naman may relasyon sila ni Julia, in fairness ah gwapo at mukhang yummy.😏 "Pinupuntahan mo ba si Nate?"
"Yes." Sabi ko na lang para hindi na siya mangulit pa dahil hindi ko siya kilala.
"Great! Siguradong matutuwa yun. Oh pano, mauna na ako at may gagawin lang ako sa labas."
"K." Umalis na siya at narinig kong tinawag siya nung kasama niya na sir Kevin daw. Nag kibit balikat na lang ako saka pumasok sa elevator at pinindot ang 7. Habang umaandar ang elevator ay napansin kong naka tingin sakin ang mga kasama ko sa loob. Alam ko maganda ako, mayaman at sexy pero sana huwag na nilang ipamukha sakin hahahaha😆😆.
Pagtunog ng elevator sa seventh floor ay lalabas sana yung babae pero hinarang ko ang kamay ko at nauna akong lumabas. Hindi ba nila nakikilala si Julia dito?? Hindi siguro siya madalas pumunta dito. Change me o sa tagalog ibahin nya ako dahil ako, bantay sarado ako kay Nathaniel simula ngayon.😈😈
Tinignan ko yung papel na hawak ko saka ko sinundan ang naka sulat doon. Pagdating ko ay hinanap ko kaagad ang malanding babaeng yun. "Where is Joyce?" Natulala yung babaeng tinanungan ko. "Bobo, hindi ka ba nakaka intindi ng english? Sabi ko nasaan si Joyce?"
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...