Julia's POV
Sobrang saya ko talaga ngayong araw dahil nagkita kami ni kuya John. Ang sabi niya sakin hinatid daw siya ni Daddy dun sa meeting place namin kanina at ang sabi niya huwag na daw akong mag alala dahil kahit masungit sakin si Daddy ay mahal din daw niya ako. Sobrang saya ko talaga ngayon at walang mapag lagyan ang tuwa ko.😍😍😍
"Mam nagkita na kayo ng kapatid nyo?" Tanong ni manang pagpasok na pagpasok ko ng bahay. Alas singko palang ng hapon at hinatid ko din si kuya sa bahay kanina pagkatapo naming mamasyal. Nakaka lungkot kasi naka saklay parin siya at hindi na daw gagaling ang mga paa nya.😞😞😞 Pero susubukan parin naming kumonsulta sa eksperto para gumaling siya.
"Opo nagkita kami. Sobrang saya sa pakiramdam manang kasi after so many years nagkausap uli kami. Para akong nasa cloud nine."
"Ngayon ko lang kayo nakitang ganyan kasaya mam."
"Para ho kasi akong nabunutan ako ng tinik sa dibdib manang. Pakiramdam ko ako si wonder woman ngayon hahahaha."
"Halata nga sainyo mam. Anong oras ho darating si ser para makapag handa na ako ng lulutuin."
"Paki prepare na lang po yung mga sahog para sa sinigang manang, ako na hong magluluto."
"Sige po mam."
Umakyat na ako sa taas at naligo na pagkatapos ay nagluto na ako ng sinigang sa kusina. Tinext ko si Nathan para if ever na wala silang OT ay maka uwi siya ng maaga.
"Mam ang perfect nyo ni ser. Baby na lang ang kulang sainyo."
Muntikan ko nang nahampas kay manang ang hawak kong sandok dahil sa sinabi niya. Hindi pa naman ganun kalalim ang relasyon namin ni Nathan at hindi ko lang sure kung hahayaang mangyari yun ng tatay ni niya. "Manang paki prepare na lang po yung mesa, baka pauwi na po si Nathan." Pagkatapos kong magluto ay hinintay ko siya sa may living room. Hindi siya nagrereply kaya sinubukan ko siyang tawagan pero caanot be reach yung number niya.
Nathan's POV
Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako dito sa condo kasama si Joyce. Tinignan ko ang oras sa phone ko at 10pm na. "Sh*t!" Mabilis akong tumayo at nagbihis.
"Babe?"
"I have to go home." Sabi ko kay Joyce.
"Hindi ba pwedeng dito ka na lang matulog ngayong gabi?" Bigla siyang yumakap sakin mula sa likuran.
"No I can't. Hahanapin ako ni Julia."
"Pero ang sabi mo hindi mo naman siya mahal diba? Kailan mo ba ipapa pirma sakanya yung annulment papers? Gusto kong maging legal na tayo babe." Pumunta siya sa harapan ko saka niya ako hinalikan.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...