My Cyborg Wife - 27 Jollibee

1K 33 3
                                    

"Hoy bata gising!" Tinapik tapik ko siya pero hindi siya nagigising. "Bata!" Inalog alog ko siya pero wala parin kaya binuhat ko na siya at isinakay sa kotse. Nagmadali akong mag drive papunta sa pinaka malapit na ospital.









"Mama.."







Tinignan ko siya habang nagmamaneho ako at parang may binabanggit siya.









"Mama.."









Bigla siyang nagmulat saka tumingin sakin.









"Mama.."









Itinabi ko muna ang sasakyan sa gilid saka ko siya kinausap. "Nasaan ba ang mama mo?" Tanong ko pero bigla na lang siyang umiling saka umiyak.










"Mama ko.."









"Kung hindi mo sasabihin sakin kung nasaan ang mama mo paano kita tutulungan?" Iyak parin siya ng iyak. Sigh.. Nathan!! Bakit ka ba kumupkop ng sakit sa ulo??? Dapat sana nasa bar ka ngayon at umiinom, pero dahil sa iyaking batang to' ay nandito kami ngayon sa gilid ng daan at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Kinuha ko yung phone ko at tinanong ko si google kung paano patahanin ang batang umiiyak at napaka galing ng sagot niya dahil bigla kong naalala na dadalhin ko nga pala dapat siya sa Jollibee para pakainin. "Tahan na, kakain na tayo sa Jollibee. Diba nagugutom ka na?" Pinunasan niya yung mukha niya saka siya tumango. "Sigh.. Buti na lang at nag exist ka Jollibee." Nagmaneho na uli ako at naghanap ako ng Jollibee, mabuti na lang at maraming Jollibee sa dito. Ipinark ko lang ang sasakyan saka ko na siya niyayang bumama. "Anong kakainin mo?" Tinignan niya lang ako at hindi siya nagsalita. Nasisigurado kong hindi pipi ang batang to dahil panay ang tawag nya sa mama nya. "Tara na nga." Hinawakan ko na siya saka na kami pumasok sa loob.










"Good evening Sir, welcome to Jollibee."










"Good evening." Bati ko naman din dun sa crew na bumati samin. Tinignan ko yung mga choices at ang dami palang pagpipilian.










"Good evening Sir, ano pong order nila?" Tanong sakin nung cashier.










"Miss, isang bucket ng chicken, dalawang spaghetti, dalawang cheese burger, dalawang large fries at.." Ano pa ba? Tinignan ko yung bata at nawala na siya sa tabi ko. Asan na yun?? Hinanap ko siya at nakita ko siya na nakatayo sa may malaking salamin kung saan may mga laruan. Woah! Pinakaba ako ng batang to. Nilapitan ko siya saka hinawakan ang kamay. "Gusto mo ba nyan?" Tanong ko sakanya at parang nag aalangan pa syang tumango kaya hinila ko na lang siya at isinali ko sa order ko yung mga laruan which is free pala kapag umorder ka ng kiddie meal nila.









"994 pesos po sir."









"994, including five toys?" Sabi ko, hindi ako makapaniwala kasi ang mura lang.










"Opo Sir."









Good. Kinuha ko yung wallet ko at pagkatapos ay inabot ko yung one thousand sakanya at sinuklian niya ako. Binigyan niya ako ng number saka kami umupo nung bata. "Bata, anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya nang maka upo na kami pero wala akong nakuhang sagot mula sakanya. "Nakakapag salita ka naman hindi ba? Dapat kapag tinatanong ka sumasagot ka, hindi yung puro mama lang ang sinasabi mo. Anong pangalan mo?"











My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon