My Cyborg Wife - 35 The Return Of The Comeback

880 21 0
                                    

Maagang nagising si Nathaniel dahil kailangan niyang kitain ang kaibigan niyang imbestigador at mga kasama nito. Gumastos siya ng malaki mahanap lang si Calvin at kung kinakailangan na umupa siya ng tao para lang pahirapan ito ay gagawin niya basta ibalik lang ito ng buhay sakanya dahil gusto niyang patayin ito sa sariling mga kamay. Kapag naaalala niya ang kwento ng anak ay para siyang nanlalambot. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya parin lubos maisip na wala na ang asawa.








"Nagpa kalat na ako ng limang pung imbestigador sa limang pung estado ng Amerika at bawat isa ay may kanya kanyang tauhan. Binigyan ko sila ng isang linggo para hanapin ang Calvin na yun. Pero sigurado ka ba na hindi mo alam ang apelyido niya?"







"Ang sabi ng anak ko Fontanilla, pero imposible yun. Baka naisip lang ng anak ko yun dahil Fontanilla ang apelyido nila ng asawa ko."







"Ilang taon na ba ang anak mo Nate?"








"She's four and she's beautiful as her mom." Bigla niya na namang naalala ang napaka gandang mukha ng kanyang asawa. Kahit matagal na silang hindi nagkikita ay kabisadong kabisado parin nito ang kanyang mukhang napaka ganda. Ipipikit lang niya ang kanyang mata at maipipinta na ng kanyang isip ang mukha nito.






"Baka nga naisip niya lang yun. Huwag kang mag alala, babalitaan ka namin within this week. Mauuna na kami."








"Salamat, Cedric." Nakipag kamay lang ito saka na siya umuwi sa mansyon kung saan niya iniwan ang anak. Pagdating niya doon ay kaagad niyang hinanap ang anak at ang sabi ng maid ay nasa likuran raw sa may pool.
Kaagad siyang nagpunta roon dala ang doll na binili niya para dito. Nakita niya ito na nasa likuran ng puno at naka tingin sa ina ni Nathaniel na nakikipag laro sa mga apo. Halatang naiinggit ang bata sakanyang mga pinsan at gustuhin man nitong makipaglaro sakanila ay natatakot siya sakanyang sariling lola.









"Baby?" Halatang nagulat pa ito nang lapitan siya ni Nathaniel. Kaagad namang ngumiti ang bata at niyakap ang ama nang makita niya ito. Yumuko naman si Nathaniel ay binuhat ang anak.








"I have something for you." Binuhat niya ang anak papunta sa kotse at ibinaba nito kitchen set na binili para sa anak.













"Wow!" Manghang mangha ang anak sa nakita at hindi ito makapaniwala sa nakikita.










"This is all yours, you can play with your cousins later."










"Thank you, papa." Niyakap siya nito saka hinalikan sa pisngi. Habang hinihintay niya ang resulta sa paghahanap kay Calvin ay dito muna sila ng anak niya. Malaki ang ibinayad niya sa mga private invertigator na ipina kalat niya sa US at ipinangako ng mga ito na isang linggo lamang ay mahahanap nila si Calvin.














***













Samantala, naka balik na sa Pilipinas si Calvin kasama ang ama at si Julia. Alam niya na pinapahanap na siya ngayon ni Nathaniel dahil may nag report sakanya. "Kahit halughugin niya ang Amerika ay wala siyang makikitang Calvin Fontanilla doon." Tinignan niya si Julia na naka tingin lang sa bintana at tahimik. "Ayos ka lang Julia?"












"Oo." Sagot nito nang hindi tumitingin sakanya.












"May naaalala ka ba sa lugar na ito?" Tanong niya dito at umiling naman ito.










My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon