Pag gising ko gutom na gutom ako. Wala kasi akong kinain buong biyahe dahil mas inuna ko pa ang tulog ko. Bumangon ako saka nagpunta sa kitchen pero naalala ko wala palang pagkain dito sa hotel, kailangan pang umorder.😑😑
"Love diba may early dinner kayo ng mga kaibigan mo? Mag bihis ka na."
Kakalabas lang ni Nathan ngayon sa bathroom at nagpupunas siya ng buhok. Bakit ba ang matcho niyang tignan sa dark blue niyang bathrobe?? Teka!! Erase! Erase! "Oo nga nagugutom na ako." Kinuha ko yung maleta ko pero ang gaan na nun.
"Nasa closet na yung mga gamit mo."
Hindi ako nagsalita at nagtungo na lang ako doon para kumuha ng maisusuot. Is he trying to be cool??😒😒
Kinuha ko yung floral na maxi dress ko, ito na lang isusuot ko ngayong gabi. Naligo ako at nagpatuyo muna ng buhok at pagkatapos ay nag apply ako ng face powder, lip balm at kilay of course! Kilay is life.😀😀*Tok tok*
Ilang beses na may kumatok sa pintuan pero hindi pinagbubuksan ni Nathan. Nasan na ba yun??
*Tok tok*
"Nathan yung pintuan!" Sigaw ko mula dito sa kwarto. Kainis! Nasa living room naman siya ba't di pa buksan yung pinto!
"Anjan na. Sorry, nagbihis ako."
Pumunta na siya sa may pintuan at pinagbuksan niya na yung kumakatok. Kinuha ko naman yung hikaw ko saka ko sinuot, tinernuhan ko yun ng kwintas na bigay ni Nathan. Ewan ko ba, feel ko lang yun isuot dahil mababa ang neckline ng dress ko. Tumayo na ako at kinuha ko yung strap sandals ko at lumabas na. Nakita ko si Nathan na nasa may pintuan, sino ba yung kausap niya?? Sumilip ako at nakita ko na nakikipagtalo na naman siya kay Calvin.
"Hey ano yan? Tara na. Kanina pa ako nagugutom, baka kayo ang makain ko."😒😒
Nilock ni Nathan ang pintuan saka niya hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa mini function hall ng hotel. Ilang beses ko yung tinanggal pero pilit niyang inaabot ang kamay ko, hanggang sa makarating kami sa pinuntahan namin ay nagtatalo kami.
"Juliana?" Hindi pa sigurado si Frances nang makita niya ako saka lang siya natauhan nang ngumiti ako sakanya. "Oh my gosh Juliana ikaw nga!" Kaagad niya akong nilapitan saka niyakap at hinalikan. "OMG ang ganda ganda mo." Nilapitan pa kami ng iba naming mga kaibigan.
"Kayo na ba ni Calvin?" Tanong nung isa naming kaibigan na si Maan.
"OMG girl! she has a wedding ring!"-Katy
"Oh my! Kasal na kayo ni Calvin??"-Naomi
Magsasalita sana ako pero biglang umubo si Nathan sa tabi ko. Naagaw naman niya ang atensyon ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...