"Kilala niya si Nathaniel?" Tanong ni Julia kay Lucy pagkatapos nitong ikwento ang nangyari kanina sa café.
"Hindi ako sigurado." Naalala niya na naman ang ekspresyon ng binata nang makita ang larawan ni Nathaniel.
"Hindi kaya, mag kaibigan sila?"
"Halos kilala ko ang mga kaibigan niya at hindi ko natatandaan na nabanggit niya dati ang asawa mo."
"Teka, paano mo naman makikilala ang mga kaibigan niya? May nakaraan ba kayo ng private investigator mo?" Nanunuksong tanong ni Julia. Kaagad naman siyang nag deny.
"Ex ko siya." Tipid na tanong naman ni Lucy kay Julia.
"Ex mo siya?" Manghang tanong ni Julia.
"Unfortunately." Sagot niya uli dito.
"Bakit kayo nag hiwalay?" Halatang interesado si Julia dahil nilapitan niya pa ito at nag pangalumbaba sa harapan niya.
"Masyado kaming busy at nawalan na kami ng oras sa isa't isa. The end."
"Halatang mahal mo pa siya."
Hindi siya pinansin ni Lucy at ininom lang nito ang juice na tinimpla dahil alam niya sa sarili niya mahal pa niya ang lalaki. "Mag bihis ka na lang, may dinner daw kayo ni Calvin ng alas otso."
"Ayoko, sabihin mo nag malfunction ako o kaya na lobat. Ayoko siyang makita."
"Hoy, hindi pwedeng palaging ganyan. Makaka halata yun."
"Hindi yun makaka halata, nararamdaman ko na ang pagka irita niya sakin eh." Palagi kasing yun ang dinadahilan ni Lucy kay Calvin kapagka ayaw sumunod ni Julia sa gusto niya.
"Ako ang malilintikan sakanya, alam niya na naayos ka na. Dalian mo na at mag bihis ka na." Tumayo siya at hinila na siya ni Lucy papunta sa kwarto, kahit napilitan lamang siya.
Kumuha siya ng isa sa mga bestida niya sa aparadol saka nag ayos na parang natural lamang ang itsura. Magpapanggap na naman siya sa harapan ni Calvin. Ilang buwan niya na itong ginagawa at nasasanay na siyang magpanggap na walang emosyon kapag kasama ito.
"Julia tapos ka na ba?" Kumatok si Lucy sa pintuan. Sumagot siya at pumasok ito sa kwarto.
"Sasamahan mo ba ako?" Tanong ni Julia habang sinusuklay ang buhok. Ibinagsak naman ni Lucy ang katawan sa kama.
"Wala akong choice eh."
Biglang tumawa si Julia. "Alam mo, nagpapasalamat ako at nakilala kita. Kung hindi, baka baliw na ako. Pagnag artista ako, ikaw ang kukunin kong manager ko."

BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomantizmNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...