My Cyborg Wife-05 The Sadness On Her Face

1.4K 58 0
                                    

Julia's POV



"Aalis na ako. Hinanda na ni manang Helen yung agahan, bumaba ka na doon."


Pagkasabi ni Nathan nun ay lumabas na siya ng kwarto. Si manang Helen yung kasambahay na hi-nire niya para makasama namin dito sa bahay, though it's been three weeks simula nung makalabas ako ng ospital, hindi parin daw ako pwedeng magkikilos ng sobra sabi ng doctor. Hindi ko na din binrought up sakanya yung nakita ko last time dahil ayoko na may pagtalunan na naman kami, mejo naging okay na din naman kasi siya.

Bumangon na ako at naghilamos saka ko na sinuot yung back support na ibinigay ng doctor, para daw maging maayos yung posture ko at hindi kumurba yung likod ko. Bumaba na ako para mag agahan at dinatnan ko si manang Helen naghahain.




"Magandang mam. Mag almusal na po kayo."




"Salamat."




Umupo na ako at nagsimula ng mag agahan. Habang kumakain ako dito may napansin lang ako, parang mas lalo pang naging boring yung buhay ko simula nung mapangasawa ko si Nathan.

Napabuntong hininga na lang ako at binitawan ko ang kustara at tinidor na hawak ko. Ito na ba yung parusa ko sa lahat ng mga ginawa ko??

Tumayo na ako at hindi ko na tinapos yung agahan ko, nawalan na kasi ako ng gana. Umakyat na ako sa taas at hindi ko namalayan na naka tayo na pala ako sa tapat ng isa sa mga guest room sa bahay.

Nandito sa kwartong to' lahat ng mga paintings ko.




"I'm sorry but I don't think makakapag pinta ka pa. Masyadong naapektuhan yung mga nerves sa kaliwang kamay mo kaya hindi na ito kagaya ng dati."




Napapikit ako ng mariin. Alam kong hindi totoo yung sinabi ng doctor at papatunayan ko yun.

Pumasok ako sa loob at kinuha ko yung mga gamit ko. Tinanggal ko yung puting tela na tumatakip doon sa huling painting na ginawa ko. "I'ts been thirteen years.. Parang kailan lang yun."

I made this painting when I was twelve. Gift ko sana to sa anniversary nila Mommy at Daddy, kaya lang hindi ko na ito tinuloy simula nung nangyari yung aksidente. Hindi na kasi ganito kaganda yung mga ngiti na alam ko.

Kinuha ko yung brush at sinimulan ko ng magpinta. Wala pang isang minuto nang mabitawan ko yung brush.




"Bakit ganito?"




Parang pasmado yung kamay ko, hindi ko maidiin ng maayos at parang maidiin ang kamay ko sa brush.

Hindi!

Napa upo na lang ako sa sahig at umiyak. Bakit?? Bakit pati talento ko kinuha sakin?






Nathan's POV




"So, here are the files that needs an approval. Nanjan na lahat pati yung mga bagong proposal. Go signal mo na lang yung kailangan para sa new product na ilalabas natin."



"Thank you Joyce."




"Thank you lang?"



Tumayo ako at lumapit sakanya saka ko siya hinalikan sa labi. "Is that enough?"




Umiling siya at yumakap sa bewang ko. "Meron pang mas masarap na reward maliban sa kiss."




Hinawakan niya yung necktie ko at inilapit niya yung mukha ko sa mukha niya para mahalikan niya ako, this woman is teasing me.




My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon