Hindi kaagad nabasa ni Cedric ang text ni Nathaniel dahil may inasikaso siya. Nang sabihin ni Pia ang tungkol sa sakit ay kaagad niyang inalam ang totoo at nang mapatunayan niya na nagsisinungaling ang dalaga ay hiniwalayan niya kaagad ito saka siya sumunod kay Nathaniel. Nang makarating siya sa bahay ni Calvin ay may naabutan siyang dalawang lalaki na may bitbit na naka balot ng kumot at may mga dugo ito. Kinutuban siya kaya naman kaagad siyang tumawag ng mga pulis at pasimple niyang sinundan ang kotse at sa hinaba haba ng biyahe ay natagpuan niya ang mga ito na nagpunta sa isang bakanteng lote malayo sa siyudad at doon hinagis nila ang duguan na katawan. Nang maka alis sila ay kaagad siyang bumaba sa kotse at mabilis na pinuntahan ang katawan na naka balot ng kumot.
Kinakabahan man ay dahan dahan niyang binuksan ang tela at nang makita niya si Lucy na duguan at puno ng pasa ay nanlambot siya at napa upo. Nanginginigniyang tinanngal ang balot nito saka niyakap. "Lucy! Lucy gumising ka!" Hinawakan niya ang pulso nito at nang makumpirmang buhay pa ito ay mabilis niya itong binuhat sa kotse at dinala sa pinaka malapit na ospital. "Lucy lumaban ka, nandito na ako. Hindi na kita iiwan, please huwag kang susuko." Pagdating sa ospital ay kaagad niya itong dinala sa emergency room at mabilis naman siyang nilunasan.
Samantala..
Halos gumapang na lamang si Nathaniel palapit kay Julia dahil namanhid na ang kaliwang paa niya dahil tama niya ng baril. Narinig niya kung paano pinahirapan ni Calvin si Lucy, inutusan pa nito ang tauhan na ipa libing ito ng buhay nang mawalan ito ng malay. "Julia.. Can you please open your eyes? I can't die like this. I need you, we need you. Please, wake up." Niyakap niya ang asawa habang umiiyak."Nathaniel.. You're next.. Open this door or else, I'll kill your wife in front of you."
Sumampa si Nathaniel sa kama kahit na duguan ang kaliwang binti saka niyakap si Julia. "Mamamatay din naman ako, bakit hindi pa nga ba sa tabi mo.. Sa ganung paraan, masaya akong mamamatay sa piling mo." Ipinikit niya ang mata at hindi pinansin ang mga kalampag ni Calvin mula sa labas ng kwarto. Buo na ang pasya niya na mamatay sa tabi ng minamahal. "I love you Julia.." Muli niyang hinalikan ang asawa saka niya ipinikit ang mga mata.
"Bibilang ako ng lima, Nathaniel. Kapag hindi mo binuksan ang pintuan. Babarilin ko to! Isa.."
Habang naka pikit ay taimtim siyang nanalangin. Diyos ko, hindi ko man po Kayo madalas kausapin. Nakikiusap po ako, iligtas niyo po ang asawa ko. Tanggap ko na ang kapalaran ko at hindi ko yun isusumbat Sainyo, parang awa Niyo na. Kahit ngayon lang pakinggan Niyo ako. Kahit huwag na ako, basta ang pamilya ko na lang po. Parang awa Niyo na.
"Apat.. Lima.. Pasensyahan tayo." Binaril ni Calvin ang door knob pero hindi siya nag tagumpay dahil naka kandado sa loob ang pintuan. Sinipa sipa niya ang pintuan at pinagbabaril at nang mabuksan ito ay naka rinig siya ng putok ng baril mula sa labas.
"Huwag kang kikilos ng masama! Ibaba mo ang baril mo!" Dumating ang mga pulis at kaagad siyang tumakbo at nag tago. Hinabol nila si Calvin at mabilis na tinulungan si Nathaniel pati na rin ang asawa. Sinabihan niya ang mga rescuer na iuwi sa bahay nila ang asawa dahil hindi pa ito patay at sinunod naman nila ito. Nakahinga siya ng maluwag pero nawalan din ng malay pagkatapos.
Dinala si Nathaniel sa ospital kung saan dinala ni Cedric si Lucy na ngayon ay idineklara ng doctor na comatose dahil sa sinapit nito.
Kaagad namang dumating ang magulang at kapatid ni Nathaniel pagkatapos silang tawagan ng staff sa ospital, ganun din ang ama na kaka gising lamang kahapon at kasalukuyan pa sanang nagpapagaling. Nagulat sila sa sinapit ng anak ganun din sa nalaman mula rito. Dumating din ang kapatid at ama ni Julia kasama ang anak nila.

BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...