Julia's POV
Pag gising ko ngayon nakita ko si Nathan na mahimbing na natutulog. He was holding my hand.. Inalala ko kung ano yung nangyari kagabi saka na lang ako napapikit. Tinignan ko ang isa kong kamay at may benda ito.. Ano bang naisip mo Julia at ginawa mo yun??😔😔😔
"Julia?" Bumangon si Nathan saka niya hinawakan ang mukha ko. "Are you okay?" Bakit ba siya nandito?? Dapat hinayaan niya na lang ako kagabi.. "Hey?"
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya. Umayos naman siya ng upo saka sumandal sa upuan niya. Mukha siyang guilty ngayon sa hitsura niya.😒
"Galit ka parin ba sakin dahil sa nangyari nung isa--"
"Tama na. Ayoko nang maalala yun. Uuwi na ako." Babangon na sana ako pero pinigilan niya ako. Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko..
"Kung gusto mong umiyak it's okay. I can be your pillow. Kung gusto mo akong suntukin, sige hahayaan lang kita. I'm sorry for everything Julia, I realize last night how important you are to me."
Biglang lumakas ang kabog sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Anong nangyayari?? Is he confessing his love to me??
***
Isang buong araw pa akong nag stay sa hospital at pagkatapos ay pinauwi na ako ng doctor. Hindi muna kami umuwi sa bahay kundi sa mansyon ng Mama niya. Nahihiya nga ako sakanila dahil sa ginawa ko pero parang wala namang nangyari dahil maayos parin naman ang pakikitungo nila sakin.
"Welcome home Julia." Nilapitan ako ng Mama ni Nathan saka hinalikan sa pisngi at niyakap. "Pinakaba mo kami, huwag mo na uling gagawin yun anak ha?" Tumango ako sakanya. Hindi ko alam na nagpahanda pala sya ng salu salo sa pag uwi ko kaya sabay sabay kaming lahat kumain at masayang nag kwentuhan.
"After natin kumain ipapasyal kita sa hacienda." Bulong niya sakin habang kumakain kami. Is he trying to be cool or something?? Kahapon pa siya nagapapaka sweet sakin. Though I find it cute pero para sa isang babaero na gaya niya.. No comment.😑😒
Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkain ko nang biglang tumunog ang phone ko mula sa bulsa ko. Hindi ko na sana yun sasagutin dahil alam kong trabaho na naman ito, kaya lang tinignan ako ng Mama ni Nathan kaya kinuha ko na ito sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
*Calvin calling..*
Kahit hindi ko tignan si Nathan ay alam kong naka poker face siya. Wala namang bago sakanya. Nag excuse ako saka lumabas at sinagot ko na ang tawag. "Hello Calvin?"
"Thank goodness sinagot mo din dahil kung hindi baka anjan na ako sa tapat ng mansion ng mga Fontanilla."
"Huh? bakit ba? Ganun ba ka importante ang sasabihin mo?" Baka tungkol na naman ito sa matandang yun.
"Ang sabi ni Arnulo kapag hindi ka daw nakipagkita sakanya hanggang bukas ay hindi niya na itutuloy ang kontrata niya sa atin."

BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...