*Ding dong*
*Dingdongdingdongdingdongdingdong*
Bigla akong nagising dahil sa ingay ng doorbell. Bumangon ako pero natumba din ako dahil sa hang over ko. Uminom kasi kami nila Kevin kagabi at hindi ko na alam kung paano ako naka uwi sa bahay.
*Ding dong*
"D*mn it! I'm coming!" Sigaw ko pagbangon ko saka ako nagtungo sa gate para pagbuksan ang kung sino mang poncio pilatong to'.
Pagbukas ko ng gate ay wala akong nakitang tao sa labas. P*tik! Sino ba ang walang h*yang yun?? Nang iistorbo ng natutulog.Pumasok uli ako sa loob ng bahay saka ako nagpunta sa ref para kumuha ng tubig nang biglang tumunog yung phone.
[Baby, nalasing ka na naman kagabi. Pasok ka na sa trabaho, nilutuan kita ng soup.]
Hindi ko siya pinansin, bagkus ay umakyat ako sa kwarto at naligo na ako. Wala naman akong choice eh, palagi naman ganito ang every day routine ko. Bahay, trabaho, bar, bahay, trabaho, bar. Halos limang taon na rin yatang ganito ang routine ko. Ewan ko ba, parang nawalan na ng saysay ang buhay ko nang mawala sakin si Julia. Limang taon na ang nakakalipas pero wala parin akong balita sakanya hanggang ngayon.
Halos nga ikutin ko na ang buong Amerika sa kakahanap sakanya pero wala rin, hindi ko siya nahanap. Minsan nga naiisip ko baka nakalimutan niya na ako, kasi sino ba namang tao ang hindi makakagawa ng paraan para makausap ang taong mahal niya sa loob ng limang taon hindi ba? Maliban na lang kung.. Wala na siya.. Hindi! Hindi ko iniisip yun! kaya lang, kagaya ng palaging tanong sa isip ko. Bakit hindi na siya nagparamdam? Kung mahalaga talaga yung relasyon namin bakit wala siya ngayon dito? Nasaan na ba sila ng anak namin??
Minsan naiisip ko na baka tama yung sinasabi ni Joyce, na baka na develop na siya kay Calvin at mas pinili na lang niya na makasama ito kesa sakin. "D*mn.." Pinatay ko na ang shower saka na ako nag bihis at naghanda para sa trabaho. Hindi ako nag almusal kagay ng dati, sa trabaho na lang ako kakain. Kahit naman palagi akong naglalasing ay hindi ko parin naman pinababayaan ang trabaho ko sa kompanya. Sumakay na ako sa kotse ko at kusa namang bumukas yung gate. Papaalis na sana ako pero may napansin akong bata sa likuran nung halaman malapit sa gate kaya bumaba ako sa kotse ko at tinignan ko siya. May bag siyang hawak at parang takot na takot siya.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot. "Ikaw ba yung nag doorbell ng walang hinto kanina?" Tanong ko uli sakanya pero hindi uli siya sumagot kaya nilapitan ko na siya. "Hoy bata, hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na sumagot kapag kinakausap ka ng mas matanda sayo?" Lumapit ako sa may maliit na puno na pinagtataugan niya saka ko siya hinila. Parang namilipit siya sa sakit nung hawakan ko siya at saka ko lang napansin na may pasa siya. "A..anong nangyari jan? May nanakit ba sayo?" Para akong nagsasalita sa hangin dahil kahit anong sabihin ko ay hindi sumasagot yung bata. "Tssss. Masasayang lang ang oras ko sayo. Saan ka ba nakatira at ihahatid na kita." Hinawakan ko yung kabila niyang kamay na walang pasa pero parang wala lang sakanya.
"Hindi mo ba itituro kung saan ang bahay nyo?" Hindi naman mukhang pulubi yung bata, maganda siya, maputi at maamo yung mukha, sa tancha ko nasa lima o anim na taon na ito. "Osige, kung ayaw mong ituro ang bahay niyo ibigay mo na lang sakin ang number ng Mama mo para tawagan natin siya." Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko pero naalala ko na nandun pala yun sa bag ko kaya pumunta ako sa kotse at kinuha ko yun. Pagbalik ko ay nangingilid na yung luha sa mata niya.
"Mama.."
"H..huwag ka nang umiyak.. Tatawagan na natin ang mama mo. Alam mo ba ang number nya?"
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...