Maagang nagising si Nathaniel upang ipag handa ng agahan ang kanyang anak. Hindi siya maka tulog sa sobrang kagalakan at kahit na pa magdamag siyang gising para lang pagmasdan ang mukha ng kanilang munting anghel ay hinding hindi siya magsasawa.
Sinunod niya ang pinapanood niyang pag gawa ng pancake sa youtube pati na rin ang pag gawa ng home made na syrup. Nag handa rin siya ng gatas at toasted bread.
"Ang aga mo naman nagising." Bungad ni Travis sakanya habang kumukuha ng tubig.
"Nagluto ako ng pancake para sa anak ko." Talagangtuwang tuwa siya kapag binabanggit niya ang salitang anak ko pakiramdam niya siya na ang pinaka maswerteng ama sa buong mundo.
"Ilang kilong harina ba ang dinayang mo para ma perfect mo yan?" Naka tingin si Travis ngayon sa mga sunog na pancake na nasa counter table, kung susumahin lahat ay nasa dosenang pinggan yata yun at halos sunog na lahat. Iilan lamang ang maayos.
"Para sainyo yan, ito ang para sa anak ko." nag lagay pa siya ng bulaklak sa sa maliit na vase at inilagay niya na yun sa tray kasama ng pancake at gatas. Kumuha siya ng paper towel saka niya nilinis ang ihahapag sa anak at pagkatapos ay pinicturan niya muna ito at pinost sa social media.
"Nate, wag mong kalimutan na may check up ka sa doctor mo mamayang nine."
"Hindi ko nakakalimutan." Sagit niya saka niya na dinala sa itaas ang pagkain ng anak niya. Sa pag akyat niya ay naka salubong niya ang ina. Binati niya lang ito saka na siya nagmamadaling umakyat sa itaas.
"Bakit niya dinadalhan ng pagkain sa kwarto ang anak niya? Ano siya Prinsesa?" Inis natanong ng ina nila kay Travis.
"Pagbigyan mo na ma, ngayon lang niya nakasama ang anak niya."
"Hindi pa siya nakaka siguradong anak niya nga ang batang yun."
Umiling na lang si Travis saka bumalik sakanilang kwarto. Samantala, pag akyat ni Nathaniel sa kwarto ng anak ay tulog parin ito. Inilapag niya sa mesa ang inihandang pagkain saka tumabi sa anak at pinagmasdan ito.
"You look like your mom." Bulong nito saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang kamay. Hindi niya sinasadyang magising ang bata.
"Papa.." Bungad nito sakanya na papungay pungay pa ang tingin.
"Yes baby? Good morning."
"I dreamt about mama."
Ngumiti si Nathaniel sa anak saka niya ito nilapitan. "Really? So, what all about it?"
"In my dream, we visited mama. We rode a special train flying to the sky and there we met her."
"That was a wonderful dream, baby." Sagot naman ni Nathaniel sa anak.
"I miss mama. I want to be with her." Sabi ng bata na mangiyak ngiyak na naman. Niyakap siya ni Nathaniel saka hinalikan.
*tok tok*
"Sir, may bisita po kayo."
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...