Nathan's POV
Aligaga akong pumunta ngayon sa ospital dahil sa nabalitaan ko. If something happen to our baby baka hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Pagdating ko sa ospital ay kaagad ko siyang hinanap.
"Nasa room 102 po siya sir."
Lakad takbo na ang ginawa ko para lang kaagad akong makarating doon at nang makita ko siya ay umiiyak siya. "Julia." Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap ganun din siya. Iyak lang siya ng iyak. "Tama na. Anong nangyari sayo? Kumusta ang baby natin?" Bigla siyang umiling at para namang biglang na blangko ang kaisipan ko.
"Wala na yung baby natin Nate, wala na."
Iyak parin siya ng iyak. "That's okay, basta ang mahalaga maging maayos ang kalagayan mo." Nalulungkot ako dahil sa nangyari pero wala na rin kaming magagawa, ang mahalaga ngayon ay maayos ang kalagayan niya.
"Pauwi na sana ako kagabi kaya lang bumangga ako tapos ngayon lang ako nagising kaya ngayon ka lang nila natawagan."😭😭
"I'm sorry for what happened yesterday." Na gui-guilty tuloy ako dahil ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sakanya ito.
"Umuwi na tayo. Ayoko na dito."
"Kailangan ko munang makausap ang doktor mo bago tayo umuwi."
"Nakausap ko na siya kanina. Ang sabi niya galos at pasa lang daw ang tinamo ko pero pwede na akong magpahinga sa bahay."
Tumango ako sakanya. Baka ayaw niya lang talaga dito sa ospital kaya gusto niya nang umuwi. "I will just settle the bill para makauwi na tayo." She nodded then I kissed her forehead and went outside para maayos ko yung bill niya.
"Kayo ba ang asawa nung pasyente sa room 102?"
Tinignan ko yung lalaking kumausap saakin na sa tingin ko ay doctor.
"Yes po doc."
"I see. Iuuwi mo na pala ang asawa mo."
"Yes doc. Pero okay lang po ba yun kahit na na miscarriage siya? I mean baka kasi mabinat siya."
"Miscarriage? Buntis ba siya?"
***
*Beep beeeeeep*
"Hon bakit ba tulala ka jan? Kanina ka pa tahimik ah."
Nakarating kami sa bahay ng lutang ang isip ko. Siya na rin ang bumusina para pagbuksan kami ni manang.
"Okay ka lang ba?" Hinawakan niya ang noo ko pero umiwas lang ako.
"Kulang lang siguro ako sa tulog."
"Awwww. Nag alala ka talaga sakin no. Hindi ka nakatulog kakaisip sakin. Ang sweet mo naman."
Naka tingin siya sakin ngayon nang may malapad na ngiti sa mga labi niya. It's like nothing happened.
"Pasok mo na yung kotse, binuksan na ni manang yung gate."
Tumango lang ako saka ko na ipinasok sa loob yung kotse. Kaagad akong pumasok sa bahay at nagkulong sa kwarto. Pilit kong iniisip paanong nangyari na hindi siya buntis. I am 100% sure na buntis si Julia, pero ang sabi nung doktor kanina hindi raw siya buntis.
I tried to dial Calvin's number pero hindi na yun nag riring. Alam kong alam din niya na buntis si Julia. Pero bakit naman siya magsisinungaling sakin hindi ba? Is that her reason para layuan ko si Joyce? Tsss. Wala naman na kami ni Joyce and I already told her that. Kaya lang hindi ko talaga ma gets kung bakit niya ginawa yun.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomantizmNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...