My Cyborg Wife-36 Old Friend

781 16 0
                                    

Bumalik sa ospital si Nathaniel dahil sa follow up check up niya matapos ang aksidente, kasama niya ang anak na nagpunta sa ospital at pagkatapos ay nagpasya siyang ipasyal sa mall ang anak para bilhan ng mga gamit. Pagkatapos nilang mamili ay kumain sila sa Jollibee. Habang kumakain sila ay may lumapit na babae sakanila.















"Nate?"















Kaagad namang napa tingin si Nathaniel. "Joyce." May dala itong tray ng pagkain saka ngumiti sakanya.

















"Pwede bang dito na lang ako sa table.." Tinignan niya ang bata at parang nagtataka ito. "..nyo?"

















Ayaw sana niya pero wala na ngang available na upuan kaya wala rin siyang nagawa at umupo ito sa tabi niya.















"Sino siya?" Tanong niya nang maka upo.















"Anak ko, si Nathalia." Pakilala nito sa anak. Hindi naman kaagad naka kibo si Joyce dahil sa narinig niya.















"Bumalik na pala ang asawa mo?"
















Tumango na lang si Nathaniel at hindi na nagsalita dahil ayaw niyang magbigay ng anumang motibo kay Joyce.
















"Akalain mo nga naman, bumalik pa pala siya pagkatapos ng ilang taon. Pagbalik ba niya sinabi niya na may anak kayo?"


















"Joyce, please." Nagtitimpi lang si Nathaniel dahil naka harap ang anak niya. "This is not the right place para pag usapan yan."


















"So, where is the right place baby?" Binulungan niya ito at kinilabutan siya sa ginawa nito.


















"What are you doing Joyce?" Itinulak niya ito ng mahina dahil sa inasal niya. "Stop it, baka isipin ng anak ko na may realsyon tayo." Biglang nanahimik si Joyce at nagsimulang kumain. Natulala naman din ang bata sa ikinilos ng dalawa.


















"Finish your food honey, we're leaving." Sabi nito sa anak.


















"Mama? Mama!" Biglang tumayo si Nathalia sa kinauupuan niya at lumabas saka niya sinundan yung babaeng pinagkamalan niyang mama niya. Kaagad namang sumunod si Nathaniel at inawat ang bata.



















"Nathalia, no!"


















"Papa, I saw her! I saw mama!" Tinuturo pa niya yung babaeng naka talikod na naglalakad. Mejo malayo siya sakanila pero para ngang ka lilpd ni Julia. Pinagmasdan niya ito at nang tumagilid ito nagulat siya dahil si Julia nga ang nakita niya. Hindi siya pwedeng magkamali, si Julia nga ang nakita niya.















"Anong nangyayari Nate?" Tanong sakanya ni Joyce.















"Joyce, pwede bang paki bantayan si Nathalia? May susundan lang ako. Please, huwag kayong aalis jan."

















My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon