My Cyborg Wife-37 Revealing The Truth

879 20 1
                                    

"Teka, sigurado kang may kinalaman dito ang daddy ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nathaniel matapos niyang malaman na anak pala ng ama niya si Calvin at pinagtatakpan niya ito matagal na panahon na.












"Base sa mga impormasyong nakalap ng mga tauhan ko sa US, labing limang taon na doon ang daddy mo, binata na si Calvin nang dalhin niya ito doon at pinag aral kasama ng asawa mo. Pinag aral sila ng business handling at nag undergo sila ng mga martial arts at self defense para protektahan ang mga illegal business nila dito sa Pilipinas. Hindi madaling kalaban si Calvin dahil marami siyang koneksyon."














"Teka, naguguluhan ako.. Ibig sabihin, si daddy ang kumupkop at nagpa aral kay Julia?"

















"Tama ka."















Biglang napa isip si Nathaniel sa sinabi nito sakanya. Posible kayang may kinalaman din siya sa kasal namin ni Julia? Biglang nag kuyom ang kanyang mga kamay. Tingin ba niya laro lang ang lahat? "Kailangan ko munang mag isip ng maayos ngayon. Gumawa kayo ng paraan at dalhin niyo si Calvin sakin, huwag muna kayong mag sumbong sa mga pulis dahil gusto kong kaming dalawa muna ang mag tuos bago niya pagbayaran ang kasalanan niya sa kulungan."















"Sige, gagawa kami ng paraan."














Hindi lubos maisip ni Nathan kung paano nagawa yun ng ama sakanya. Lalo lang sumasakit ang ulo niya sa mga naiisip. "Papa are you okay?" Tanong sakanya ng anak. Tumango naman siya saka hinalikan sa noo ang anak.














"Are you hungry?" Tanong niya dito. "I'll ask manang Helen to cook for you."















"I thought we're going to visit lolo?"











Muntikan na niyang makalimutan na nangako nga pala siya sa anak na bibisita sila sa biyenan. Kahit masakit ang ulo niya at pagod ay pinagbigyan niya ang anak at nagtungo sila sa bahay ng biyenan.








***













"Nakita ninyo si Julia sa mall kanina?"













Tumango si Nathaniel. "Hindi lang ho si Julia, pati na rin si Calvin." Sagot niya sa biyenan.










"Paanong nangyari yun? Akala ko ba wala na si Julia? Sigurado ka bang siya ang nakita mo?"












Nagdadalawang isip si Nathaniel sa nakita niya dahil alam niyang merong impostora si Julia at kasabwat niya si Calvin. "Hindi po. Sa tingin ko yung impostora niya yun at malamang may binabalak silang masama ni Calvin ngayon."









"Kung alam na ng mga inutusan mo kung nasaan siya, bakit hindi mo pa siya isibumbong sa mga pulis?"













Tinignan niya ang biyenan. Hindi niya pwedeng sabihin dito na kapatid niya ito sa ama dahil sa mismong sarili niya ay hindi niya yun matanggap. Pero hindi yun ang bumabagabag sakanya, kundi ang ama nila na ngayon ay may sakit. Oo, galit siya rito pero hindi niya kayang gumanti rito lalo pa sa kalagayan nito ngayon. "Kumukuha lang po ako ng tamang tming para magtuos kami. Sinisigurado kong pahihirapan ko muna siya." Nang gigigil talaga siya kapag naaalala niya si Calvin at ngayon lang ay gusto niya na itong paslangin sa mga kamay niya. "Pwede po bang sainyo na muna si Nathalia? May mga kailangan lang po akong asikasuhin ngayon."













My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon