My Cyborg Wife-09 Jealously

1.3K 46 0
                                    

Julia's POV



Sh*t saan ko ba naiwan ang phone ko?? Kanina pa ako palakad lakad dito sa garden at pilit na iniisip kung saan ko naiwan ying phone ko.😣😣😣 Ni hindi ko nga alam kung paano ako naka uwi, basta pag gising ko na lang kanina masakit ang ulo ko.



"Mam may tumatawag po sainyo sa phone."



Lumapit sakin si manang Helen dala ang wireless phone saka naka ngiti. "Si ser Calvin mam." Sabi niya sabay abot sakin ng phone. Kaya pala😑😑



"Hello Calvin! Mabuti at tunawag ka. Nakita mo ba ang phone ko?"



"Oo nasa toilet bowl at hindi na gumagana."



"What??? Pano napunta dun?"



"I dunno. Hindi ko na nga din napansin ang pag takas mo kagabi, mabuti na lang at hinatid ka nung mga staff na babae dito t nagpanggap na pinsan mo."



"Pinsan ko?? Hahahaha okay fine. Pero seriously I need a phone or else I am dead. Kailangan ko ng--"



"Kailangan mo ng parehong parehong phone na may parehong phone number, memory at laman. Copy, in two minutes anjan na sa bahay mo."



"Oh my! Thanks Calvin, you're such an Angel." Magpapaalam palang sana ako nang may biglang kumuha ng phone sa kamay ko. Tinignan ko yun at nakita ko si Nathan na magka salubong ang kilay.



"Ang aga aga ang lalaking ito agad ang kausap mo?"



"Huh?? What's wrong? Kaibigan ko lang naman si Calvin."



"Kaibigan? Kahit kailan hindi pwedeng maging magkaibigan ang lalake at babae unless may relasyon."



"What?? Iniisip mo ba na may relasyon kaming dalawa ni Calvin?" Parang biglang tumaas ang prisyon ko sa lalaking ito.😠😠😠



"Wala ba?" Nang iinis na tanong niya. Aba talagang inuubos nito ang pasensya ko ah!!



"Magkaibigan lang kami at wala kaming ginagawang masama! Masyado lang talagang marumi ang utak mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya.



"At ako pa ang madumi ang utak? Sino kaya ang naglasing kasama ang ibang lalaki?"



Gusto ko siyang sampalin pero pinigilan ko lang ang sarili ko at isa pa tumunog ang door bell at to the rescue naman si manang Helen. Pagbalik niya may dala siyang box, yun na siguro yung phone ko. Hindi ko na siya pinansin at kinuha ko yung box kay manang Helen saka ako pumasok sa loob.

Umakyat ako sa guest room saka ko hinagis yung box sa kama at nagmukmok ako doon. Nakaka bwiset siya!! Oo na mali na ako, hindi dapat ako nagpaka lasing kagabi!! Hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sakin!! Sinabunutan ko tuloy ang sarili ko dahil sa ginawa ko. "Waaaaah!! Kainis!"




"Mam mag almusal na po kayo." Kumatok si manang mula sa labas ng pintuan.



"Mamaya na po, paunahin nyo na siyang kumain."




"Umalis na po siya mam."



Umalis na siya??
Hay mabuti naman para maka laya laya na ako. Lumabas na ako saka ko tinanong si manang kung kumain ba siya ang sabi niya hindi daw dahil mainit daw ang ulo nang umalis ito. Hay naku Julia! Kasalanan mo na naman ito eh.. "Manang paki hiwa naman po yung mga gulay sa ref at magluluto ako ng pagkain."

Hahatiran ko na lang siya ng pagkain sa trabaho niya para mawala ang init ng ulo niya sakin. Baka mamaya makarating pa sa tatay niya na palagi kaming magka away😒😒.

My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon