My Cyborg Wife-39 Lucy

798 21 0
                                    

Pag gising ni Nathaniel ay masakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung paano siya naka uwi sa sobrang kalasingan. Bumangon siya at dumiretso sa CR para makapag hilamos. Paglabas niya ay nagpunta siya sa kusina para kumuha ng tubig pero naka amoy siya ng pagkain. Inisip niya kung may pasok ba si manang Helen ngayon dahil wala siyang natatandaan na pinapasok niya ito.















"Good morning babe. Masarap ba ang tulog mo?"


















Naabutan niya si Joyce na nagluluto at suot nito ang polo niya. "Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong niya.

















"Sus! Ang dali mo namang maka limot baby." Hininaan niya ang apoy at saka lumapit kay Nathaniel. "Nakalimutan mo na ba ang pinagsamahan natin kagabi? Wala ka paring pinagbago Nate, magaling ka par--"

















"Tumigil ka Joyce! Walang nangyari sa atin." Itinulak niya ito palayo sakanya. Kahit lasing siya ay alam niyang niyang walang nangyari sakanila ni Joyce.





















"Talaga ba? Mukha ngang wala kang natatandaan sa mga ginawa natin kagabi eh. Nag enjoy kaya ako." Nilapitan siya muli nito pero muli niya itong naitulak.



















"Tama na Joyce! Matagal ko nang pinutol ang relasyon natin. Umalis ka na sa bahay ko." Hinila niya ito palabas ng bahay at wala siyang pakielam kung polo lang ang suot nito. Kinuha niya ang selepono at kumontak ng grab na magsusundo rito at pagkatapos at ikinandado niya na ang bahay at pinatay ang apoy ng niluluto nito. Wala siyang balak na kainin ang niluto ni Joyce kaya itinapon niya lang ito.

Katok naman ng katok si Joyce sa pintuan pero hindi na siya pinagbuksan ni Nathaniel. "Nate buksan mo tong pinto! Nasa loob ang gamit ko!" Mula sa labas ng bahay ay may tumawag kay Joyce.















"Kayo po ba ang kumontak sakin mam?"
















"Kumontak?" Tanong naman ni Joyce sa babaeng naka sakay ng kotse.

















"Tama naman tong address na pinuntahan ko ah." Saad ng babaeng driver.


















"Tumigil ka! Hindi kita kailangan!" Hindi niya pinansin ang driver pero ganun paman ay hindi ito umalis sa tapat ng bahay ni Nathaniel. "Nate, buksan mo to! Ang gamit ko nasa loob ng bahay mo!" Bigla namang nahulog ang mga gamit niya mula sa bintana ng ikalawang palapag ng bahay ni Nathaniel. Inis na pinulot ni Joyce ang mga gamit niya.















"Mukhang pinalayas yata kayo mam. Sakay na, wala kayong masasakyan dito."


















Kahit na inis siya ay sa chismosang driver ay sumakay parin ito sa kotse niya. Binitawan ni Joyce ang mga gamit at magbibihis sana siya nang biglang kuhanin ng babaeng driver ang dress niya at tinignan ito nang may pagka mangha. "Wow mam! Ang ganda ng dress ninyo ah! Siguro mamahalin ito no?"
















"Akin na yan." Hinila sakanya ni Joyce ang dress niya pero hindi niya ito binitawan hanggang sa mag agawan sila nito at mapunit ang bestida.















"Ay sorry mam. Tinitignan ko lang naman eh."


















"Nasisiraan ka ba ng bait? Nakikita mo naman na nagbibihis ako hindi ba?! Ngayon ka lang ba naka kita ng ganyang kagandang damit?! Ano ka, may kotse pero walang pambili?!"



















My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon