A/N: Calvin on top. Happy reading!❤"Sir? Sir gising po."
Napamulat ako nang marinig kong may tumatapik sa akin. Nang tignan ko siya ay saka ko lang na realize kung nasaan ako.
"Magsasarado na po kami sir." Sabi sakin nung babae. Kaagad naman akong tumayo.
"Nasaan na yung dalawa?" Tanong ko sa babaeng gumising sakin.
"Kanina pa po sila umalis."
"What?? Ni hindi man lang nila ako ginising?" Hindi nakapag salita yung babae. "Anong oras na ba?"
"Nine pm na po sir."
Bumuntong hininga ako sa sobrang inis. Bakit ba ako nakatulog ng ganun kahaba??
Lumabas ako at nag abang ng taxi at pagkatapos ay nagpahatid ako sa bahay. Wala akong dalang kahit ano kaya pagdating ko sa bahay ay pinaghintay ko pa yung driver at kumuha ako ng pera. Pagbalik ko sa loob ay hinanap ko kaagad si Julia. "Manang nasaan si Julia?""Kaninang hapon ser may hinatid lang pong malaking box dito tapos nagbihis po at umalis."
"Umalis na naman siya? Kasama niya na naman ba yung Calvin na yun?" Hindi sumagot si manang sa tanong ko. "Hindi ba manang sinabihan ko na kayo na huwag nyong hahayaang sumama si Julia sa lalaking yun?"
"Akala ko ser kasama nila kayo eh."
Gusto kong magwala kapag naiisip kong kasama niya na naman ang lalaking yun. "Bwiset talaga!!" Sinipa ko yung malaking vase at nabasag yun at pagkatapos ay umakyat na ako itaas. Dinial ko ang number niya pero hindi siya sumasagot kaya tumawag ako sa bar, baka sakaling andun siya kaya lang ang sabi nila wala daw siya doon. Bwiset talaga! Sa sobrang inis ko ay hinagis ko ang phone kong walang silbi saka ako nagpakuha ng alak kay manang. Magpapaka lasing na lang ako kesa mabaliw sa kakahanap sa magaling kong asawa.
Julia's POV
Ilang oras na kaming nandito sa casino ni Calvin kasama ang matandang si Arnulo. Ang tagal niya na kasi akong gustong makausap ng personal pero hindi ako makakuha ng tiyempo. Ngayon lang ako naka takas.😒😒
"Alas onse na, anong balak mo?" Pasimpleng bulong sakin ni Calvin dito sa gilid. Hindi ako makakilos ng maayos dahil katabi ko lang si Arnulo. Nilapitan ko ito at sinabihan na uuwi na ako dahil kailangan ko pang magtrabaho bukas.
"Sige, kung ganun tapos na ang laban. Ayoko na."
Bigla itong tumayo at hininto ang laro nila. Ang buong akala ko hindi siya hihinto dahil milyon na ang natatalo nito sa sugal.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomanceNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...