Nathan's POV (Always, unless nakalagay Julia or etc..) BTW picture above is the pretty Julia ^___^
Pag gising ko agad akong pumunta sa kwarto kung saan natutulog yung 'Asawa ko' Iiiiiiw!! Nangingilabot ako pag naiisip ko na may asawa na ako. HINDI KO MATANGGAP!! Humanda siya sakin dahil ngayon na ngayon din ay papalayasin ko siya.
Pagpasok ko sa kwarto ay wala na siya doon. "Saan na nagpunta yung babaeng yun?" Sinarado ko na yung pinto at paglabas ko naka amoy ako ng mabangong amoy na sa tingin ko ay nanggagaling sa kusina.
Pagpasok ko sa dining area, nakita ko yung mesa na puno ng pagkain. Sinong nagluto ng mga to?? Pumunta ako sa kusina dahil baka may maid pero halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko. Nagluluto siya tapos yung suot lang niya ay puting t-shirt na sobrang linaw tapos wala man ata siyang shorts.
"Oh gising ka na pala. Pumunta ka na doon at malapit na akong matapos."
Bigla akong napamura nung humarap na siya. Bakit ganito yung suot niya?? inaakit niya ba talaga ako?? Halatang halata ang suot niyang bra as in sobrang linaw ng suot niyang damit ngayon or should I say t-shirt.
"Ano pang ginagawa mo jan?"
"Ano ba sa tingin mo?" Balik ko sakanya para maiwas ako ng tingin.
Dahan dahan siyang lumapit sakin dala ang plato na sinalinan niya ng kanin. Napalunok ako ng maamoy ko siya, ang bango niya kahit na pinagpapawisan na siya dahil sa niluto niya.
"Good morning darling." Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako. Segundo lang yung itinagal nun pero parang biglang huminto yung oras ko, hindi dahil nagustuhan ko kundi dahil nagulat ako.
"Bakit--" Pinigilan niya akong magsalita gamit ang daliri niya saka na siya naglakad sa may dining area. Manyakis yung babaeng yuna ah!! Agad akong sumunod sakanya at umupo sa kaharap niyang upuan.
Nakatingin ako ng masama sakanya ngayon habang siya parang walang pakielam na nagssalin ng kanin sa plato niya.
"Hoy! Sino ka ba talaga ha??"
Talagang kumportable pa siyang kumilos ah! Tingin ba talaga niya tanggap ko tong sitwasyon na to??
"Hoy!! Ik--"
"Ganyan ka ba talaga?? Ang hilig mong sumigaw, mahiya ka naman nasa harapan ka ng pakain."
Bigla akong natahimik sa sinabi niya. At sino siya para sabihan ako ng magandang asal?? "Sin--"
"Kumain ka kung wala kang magandang sasabihin!"
At siya na ngayon ang sumisigaw ah! Sinusubukan ba ng babaeng ito ang pasensya ko??
"Oh ano?" Masungit niyang tanong.
"Huwag ka ngang kumilos na parang mag-asawa nga tayo. Hindi kita kilala at hindi ko alam kung saang planeta ka nagmula kaya huwag mo akong kausapin na para kang nakikipag usap sa kakilala mo!"
"Oo nga pala hindi mo pa ako kilala. Sige magpapakilala ako, I'm Julia Fontanilla 26 years old, Female."
"Julia Fontanilla?? Ka apelyido pala kita?"
*Plok*
"Aray!" Bigla niya akong binato ng hawak niya kutsara.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Wife
RomantikNathan Fontanilla is from Status: Single but Married. He is handsome, rich, easy go lucky, playboy and sometimes childish..😅😅 To cut this unwanted attitude his father assigned, yes! Assigned someone to marry him so that he would understand how to...