My Cyborg Wife-43 Knowing The Truth From Lucy

842 24 0
                                    

A/N: Hello guys! Ang chapter na ito ay hindi pwede sa mga mahihina ang loob. Mejo may pagka brutal kasi siya ng slight. So.. Yun lang, enjoy!
























"Good morning darling, breakfast is ready."

















Pagmulat ng mata ni Nathaniel ay nakita niya ang mukha ng asawa bitbit ang isang tray ng pagkain. Sa likod nito ay ang anak na na naka ngiti sakanya.














"Julia?" Kaagad itong bumangon at nilapitan ang kanyang mag ina. Binitawan ni Julia ang dalang pagkain saka niyakap ng asawa. "Na miss kita."

















"Ako din. Na miss kita." Niyakap din siya nito pabalik at ganun din ang kanilang anak.















"Patay na ba ako?" Tanong niya sa asawa at umiling naman ito sakanya.














"Kailangan mo nang bumalik Nathan. Kailangan ka ng anak natin."

















Tinignan ni Nathaniel ang kanilang anak na kani kanina lamang ay katabi ni Julia at ngayo'y wala na. "Nasaan na siya?" Tanong nito.





















"You have to live, Nathan.. You have to live for our daughter.. And for me.."


















"Ayoko.. Ayoko nang gumising kung hindi rin kita makaka sama. Dito lang ako Julia.." Niyakap niya ng mahigpit si Julia.


















"I'm always here. Hindi ko kayo iiwan ni Nathalia.. Please, just live."











Hinawakan niya ang mukha ng asawa at unti unti itong nangalawang at biglang naging robot.






















"Hindi! Hindi!" Pag gising ni Nathaniel ay nasa isang kwarto na siya na hindi pamilyar sakanya.


















"Mabuti nagising ka na." Nakita niya si Lucy. Babangon sana siya pero hindi niya maigalaw ang paa. Naalala niya na nadaplisan siya sa bala pero may ininject sakanya si Calvin na kung ano kaya nanlambot siya at nawalan ng malay.























"Nasaan si Julia? Kailangan ko siyang puntahan." Pinilit niyang bumangon at inalalayan siya ni Lucy.






















"Huwag muna. May kailangan ka munang malaman Nathaniel."























Tinignan niya si Lucy na napaka seryoso ang mukha. Huminga ito ng malalim bago magsalita.




















"Alam ko na kahit anong gawin ko papatayin niya rin naman ako. Gagawin ko to para kay Julia dahil sa maiksing panahon na nakasama ko siya ay ipinaramdam niya sakin kung paano magkaroon ng pamilya, ng isang kaibigan at kapatid.. Hindi totoo na cyborg lang si Julia."























"Ano?" Naguguluhang tanong ni Nathaniel.
























"Pinlano lang lahat yun ng Daddy mo. May ininom na gamot si Julia para huminto ang pagtibok ng puso niya sa loob ng 24 hanggang 48 na oras. Ginawa yun ng Daddy mo para makatakas si Julia at ang anak mo kay Calvin pero hindi siya nag tagumpay dahil pati siya nadamay sa kasamaan ni Calvin. Tinulak niya ang Daddy mo sa hagdan kaya siya na stroke. Pero bago yun ay naka tanggap kami ng tawag mula sakanya na kailangan na naming kunin ang katawan ni Julia sa mansyon sa Nevada para pag experimentuhan kunwari. Ang team namin ay naka gawa ng isang experimento na bubuhay sa patay, pero natuklasan din namin kalaunan na hindi ito uubra sa tao at kung uubra man ay hindi ito magtatagal. Sumikat kami sa US kaya ang akala talaga ni Calvin ay nagawa naming cyborg ang asawa mo, nagpapanggap lang si Julia na isang robot para kahit papaano ay iwasan siya ni Calvin."

















My Cyborg WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon