Prologue

10.1K 175 49
                                    

Magmula noong ipinanganak ako, hindi ako kailanman nakilala bilang matalinong bata. I didn't even care a bit about how I was as a student. Kung grado ang pag-uusapan, maka-line of eight ay kuntento na ako.

I could still remember my sixth grade. Noong kasama ko ang magulang ko para kuhanin ang card ko pagkatapos ng school year. I got an average of 84 and I happily boasted about it to my classmates and family. Walang epekto sa akin kung may kaklaseng mas mataas ang nakuhang grado kaysa sa akin. 

Sabi ko pa noon sa magulang ko, "Ma, magpakain tayo sa bahay. Rank 20 ako sa section namin." Kahit pa 28 lang kami sa seksyon ko noon. 

Just like me, my parents also didn't care. Gaya nang nakasanayan, nagpapakain sila tuwing end ng school year dahil nakakuha ako ng magandang grado, kahit pa wala akong karangalan na natamo. Ang pinakamataas na average na nakuha ko, mula elementarya, ay 92. When my parents found out, they threw a huge party for me. Sa mall nagdiwang at imbitado ang buong seksyon ko noon at ang ilan sa kapitbahay namin. 

Grades were never a big deal to me. Hindi ako ma-effort mag-aral; hindi ako nakikipagsabayan sa ibang estudyante. Ang sa akin, basta may mapasa, basta pasado.

Things just started to change when I reached my 12th grade. I have changed completely. 

"Narinig mo ba iyong balita galing sa section HUMSS-2C, 97 daw ang general average ni Lacoza ngayong quarter!" Dinig kong usapan. 

Kasalukuyan akong nasa loob ng cubicle rito sa restroom at pumasok ang iilang kababaihan. Ako kaagad ang una nilang pinagusapan. 

"What?" Mahihimigan ang gulat sa tinig na iyon.

"Oo! Sabi pa nga baka raw umangat sa rank 10 ng Solara 12."

Narinig ko ang isang maikling tawa. "Nakakatawa sila. Hindi nga siya pumasok sa rank 500 last school year, sinong binibiro nila?"

Nagtawanan ang mga babae. 

"And if she really reached rank 10, I am sure it's because she did dirty work," she added. "Probably cheating? O baka sineduce iba nating teacher!" 

Kumuyom ang kamao ko nang marinig iyon. I wouldn't do such thing. Alam 'yon ng mga taong nakikita kung paano ako sa klase. I never cheated anything just to achieve my grade right now. Pinaghirapan ko iyon. 

"'Wag na lang natin pag-usapan 'to. Let's just see later! Tutal ay ia-announce na rin ang ranking mamaya." 

Ganoon din ang ginawa ko. I waited until our adviser announced that they had already put the rankings up. Pagkalabas ko, kumpulan ng tao ang makikita sa school board. I waited until the hallway cleared up. 

"Kilala n’yo si Lacoza? Pinaguusapan doon na grabe raw inangat sa ranking. Rank 18 na sa buong school!" Dinig ko. 

"’Yong nasa HUMSS-2C ba?"

"HUMSS-2C? Akala ko naman sa HUMSS-1A siya! Eh kahit nga sa HUMSS-B hindi pala nakapasok." Panibagong boses iyon.

May kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa narinig. I felt so conscious of the stares I am feeling right now. Parang sa bawat matang tumitingin sa akin ay may kasamang panghuhusga roon.

"Excuse me," I said, squeezing myself into the pool of students. 

Pagkarating ko sa harap ng board ay hinanap ko kaagad ang pangalan ko. 

Solara 12 Ranking

Rank 18 Esther Belle A. Lacoza
Rank Last S.Y. – Rank 532

HUMSS 12 Ranking

Rank 5 Esther Belle A. Lacoza
Rank Last S.Y. – Rank 200

I bit my lip upon seeing my name. Hindi na ako nahirapan hanapin iyon hindi katulad last year na nagsusumiksik sa gitna ang pangalan ko. 

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon