Seven

5.1K 151 33
                                    

"Ayaw mo bang i-consider na baka posible talaga?"

Agad akong umiling sa tanong ni Micah. 

Imposible. Ayaw kong isipin na may sense iyong sinasabi niya dahil ang layong mangyari noon para sa akin. Picture lang 'yon. Hindi dapat bigyan ng meaning ‘yong simpleng pag-amoy niya sa ulo ko. Maybe he did that unconsciously. Basta sigurado akong hindi niya iyon sinadya. 

"Bakit?" reklamo niya muli. 

Ilang araw na niyang pinilit 'yan sa akin. Palagi akong hindi sumasang-ayon. Hindi ko pinapansin ang mga tumatakbo sa isip niya.

Besides, I shouldn't care, right? I don't even like Noah.

"Tingnan mo 'to." Inabot ko sa kaniya ang cellphone. 

Doon nakalagay ang picture ni Noah na yakap si Raine matapos nilang tanggapin ang medalya nila noong intrams. 

"Anong tingin mo riyan?"

"Friendly hug?"

Napairap ako sa sagot ni Micah.

Kung sa picture namin ni Noah na walang skin contact ay nilalagyan niya ng meaning, hindi ko alam kung bakit binabalewala niya 'yong mga kumakalat na picture nina Noah at Raine. 

They almost looked like a couple in those pictures. 

"Hindi sapat 'yan 'no! Pakitaan mo pa ako ng ibang picture. . . pero ngayon, ipu-push ko talaga na may gusto sa 'yo si Noah!"

Hindi siya titigil. Iyon ang sigurado. Dahil halos araw-araw ay pinapanood niya ang galaw ni Noah sa room namin. Minsan sinasabi pa nito na sinusulyapan daw ako ni Noah sa klase.

Hindi ko pinaniniwalaan 'yong mga kwento niya. Nagdedelusyon na siguro siya dahil gusto niya ring paniwalain ang sarili niya na may gusto sa akin si Noah. 

"Ma'am, wala ka talagang balak magpakain? Gold medalist si Noah oh!" banggit ni Dex habang kami'y naghihintay mag-uwian. Wala na kaming ginagawa sa PerDev at nakikipagkwentuhan na lamang sa aming adviser. 

"Si Noah ngang nanalo ay hindi nagre-request, Dex."

"Sige na, ma'am. Parang hindi mo naman kami mga anak!"

"Hindi talaga. Ako ba ang nagluwal sa 'yo?"

Umugong ang tawanan sa room. 

"Pero bukas magce-celebrate tayo."

Naghiyawan ang mga kaklase namin at ang iba ay pinagpapalo pa ang desk nila.

"Buong oras sa klase ko tayo kakain. Magpapa-order ako ng pagkain dito at hindi ko naman kayo pwedeng isama sa mall lahat para makakain tayo. Pero kung may madadala kayong pagkain pandagdag sa handa bukas, pwede naman! Inform n’yo lang ako para masabihan ko ang guard sa school."

Bahagya kong kinagat ang ibabang labi ko at inisip ang ipon kong pera. Ayos lang naman sigurong bawasan 'yon nang kaunti. Minsan lang may kainan sa school namin. Hindi rin naman para sa iisang tao ang bibilhin kong pagkain at para sa buong section 'yon. 

"Ma, kaya po bang mag-deliver ng restaurant n’yo sa school namin?" tanong ko habang kami'y kumakain ng hapunan. 

"Kaya, anak. Magpapa-deliver ka?"

"Opo. . . magce-celebrate kasi kami dahil champion si Noah sa badminton."

"Si Noah?" Parang pumintig ang tainga niya sa narinig na pangalan. "'Yong manliligaw mo?"

"Ma!" sita ko. "H-Hindi po."

"Aba, palaging nababanggit ni Micah eh. Sabi niya noong nakaraan may gusto raw sa 'yo ‘yon si Noah."

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon