It's been a month since our semestrial break. Ngayon din ang araw bago ang kaarawan ni Noah at katatapos lamang naming mag-enroll kanina. Ngayon ay papunta kami sa mall para sa pagdiriwang na hinanda ko para sa kaniya.
Kanina rin ay inalok ako ng faculty na lumipat sa seksyon ni Noah na sa totoo’y pinagisipan ko. Lalo na noong kinuwento ko kay Noah at halata ang saya sa kaniyang mukha.
Yet he said, "It's still up to you, my babe. If you transfer, I'll be happy. If you stay in your section now, I'll still be happy."
"Ayaw mong makasama ako sa iisang section?"
"Gusto pero hindi ko hihilingin. Araw-araw pa rin naman tayong nagkikita. I still get to hold your hands. Walang mintis kada linggo. So, choose what your heart wants."
It is indeed a good opportunity for me. Ang sabi sa akin ay mas maganda raw kasing napalilibutan ako ng mga taong matatalino para mas mahasa ang utak ko.
I thought the same though because I do not want to be around naturally smart people. Baka mas mahirapan lang ako dahil pipilitin ko ang sarili na makipagsabayan sa iba.
So, I knew in my heart that I’d want to choose my section still. I just needed Noah’s assurance and now that I have it, I’m fine. Ang pagpopokusan ko na lamang ay ang magawa nang maayos ang surprise ko sa kaniyang ngayong araw.
"Bakit tayo nandito? Bibili ka lang ng school supplies, 'di ba?" litong sabi ni Noah nang hatakin ko siya papasok ng Kenny Roger's.
Humagikhik ako at tinuro sa kaniya ang table na naka-reserve para sa amin.
"Surprise! Happy birthday, babe," I said. "Despedida party kasi ni Mama Yula bukas. Gusto kong makapag-celebrate ka noong para sa 'yo lang talaga."
Umiling sa akin si Noah at tila tatakas kaya tinulak ko ito paupo.
"Hayaan mo akong i-treat ka ngayon. Please po," hiling ko habang ang dalawang kamay ay magkalapat na para bang nagdarasal. "Please. . . pinaghandaan ko 'to!"
"Stop saying please, you know I can't say no when you use that on me," he muttered making me giggle.
Naupo na rin ako sa upuan na nasa harap niya. "Anong gusto mo? Ako ang mag-oorder."
"No, you tell me your order and wait here."
"Eh! Ako ang magbabayad," sambit ko.
"We'll share, babe. I know you prepared for this but let me pay for at least half. Makokonsenya ako kung hahayaan kong ikaw ang gagastos sa lahat ngayon."
"Okay!" Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang sarili sa pagngiti.
Si Noah ang nag-order sa cashier at ako'y nakapangalumbabang pinapanood siyang matapos doon. Nilabas ko ang aking cellphone kalagitnaan at kinuhaan siya ng litrato.
Halata ang kilig sa mukha noong nasa cashier. May nakita pa akong nagtutulakan sa gilid habang nakatitig kay Noah. Bagaman natatawa ay hindi ko maiwasang mainis.
Bakit kasi kailangang mas gwapo siya ngayon? Simpleng black shirt lang naman ang suot niya pero sobrang lakas ng kaniyang aura.
"Sila raw ang magdadala ng pagkain natin dito,” ani Noah pagbalik.
Napanguso ako nang aralin ang mukha nito. Ang gwapo talaga. Dumaragdag pa 'yong ayos ng kaniyang buhok kaya kanina ay halos mahimatay 'yong mga babae sa cashier.
"Ikaw nag-ayos ng buhok mo?" tanong ko sa lalaki.
Inabot ko iyon at bahagyang ginulo ang buhok niya, pero kahit ganoon ay ang ganda pa rin ng kaniyang mukha.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...