"Ayaw mong manood ng recognition?" tanong muli sa akin ni Micah. "Pinalista kita kay Akio. Sabi ko manonood tayo!"
"Si Faye na lang siguro ang isama mo," wika ko at muling binalik ang mga mata sa pagbabasa.
"Isang araw lang naman eh! 'Tsaka nagtanong-tanong ako 'no, hindi raw mandatory ang attendance riyan sa academy na pinag-enroll-an mo! Baka nga hindi pa nila alam kung sinong mga estudyante nila sa dami ng tinuturuan."
"Hindi nga mandatory, pero ayaw kong um-absent at may makaligtaan na lecture," tugon ko. "Ang mahal ng binayad namin doon ah. Sayang ang limang libo."
"Nakakaloka! Bakit kasi naisipan mong mag-enroll sa summer class?" aniya. "Hindi na tayo nakakalabas na dapat ginagawa natin ngayong break! Ilang beses kitang niyayaya, pero puro pag-aaral ang inaatupag mo."
Nahihiya ang ngiting iginawad ko sa kaniya.
Ito lamang kasi ang naisip kong paraan para maging handa sa darating naming 12th year. Nag-enroll ako sa isang kilalang summer academy rito sa lugar namin. Mula Huwebes hanggang Sabado ang session ko roon.
Sa mga araw na wala akong klase, may nagpupuntang tutor ko rito sa bahay para siya ang humasa sa utak ko. I've been studying different areas in education. Kahit wala kaming Math sa grade 12 ay kasama 'yon sa inaaral ko. Sa tutoring, mas nagpopokus kami sa past lessons mula high school. Sa academy naman ay mga advance lessons para sa grade 12 hanggang kolehiyo.
"Nandoon si Noah ah! Rank 1 siya sa Solara at HUMSS 11, baka nakakalimutan mo 'no. Ayaw mo bang nandoon ka mamaya para pumalakpak kapag tinawag siya sa stage?" pagkumbinsi pa sa akin ni Micah.
Umiling muli ako. I've promised myself not to see Noah or show myself to him. Maliban kung may napatunayan na ako. Saka na kapag magkalebel na ang pangalan namin. Hindi muna ngayon.
"Video-han mo na lang! Ipalakpak mo rin ako."
"Okay," bigong sabi ni Micah. "Sa Tuesday, pwede ka? Birthday ni Prince, inimbitahan tayong lahat magkakaklase."
"May tutoring ako eh," saad ko. "Ipapadala ko na lang 'yong regalo ko kay Prince."
"Nakakaloka ka talaga! 'Wag mong sabihin na pati sa birthday ni Esiah ay wala ka?"
Nanumbalik sa akin iyong naging pag-aaway namin ng kapatid noong nakaraang linggo. Nakaplano na kasi ang kaarawan nito sa Boracay. Nang sabihin sa akin nina Mama iyon ay tumanggi akong sumama.
"K-Kayo na lang siguro, Ma," sagot ko habang kami ay kumakain.
"Bakit, anak?" Si Papa iyon.
"'Di ba po may pinasukan akong summer class tapos may tutor pa po ako. Ang dami kong makakaligtaan na session kapag sumama ako sa Boracay."
"Hindi ba pwedeng laktawan mo muna ang ilang araw?"
"Sayang kasi, Ma," ani ko. "Magkano rin 'yong binayad n’yo para doon."
"Hindi ko iniisip 'yong binayad namin, Esther," seryosong sambit ni Papa. "Kahit pa magbayad ako ng extra sa academy at tutor mo, gagawin ko. Basta lang kumpleto tayong pupunta sa Boracay."
"H-Hindi na, Pa! May susunod pa naman, doon na lang po ako sasa—"
Natigil ako sa pagsasalita nang padabog na tumayo si Esiah.
"Busog na po ako," aniya at dali-daling umakyat sa kaniyang kwarto.
Simpleng ngiti ang binigay ko sa mga magulang bago sinundan ang kapatid. Ang pinto ng kwarto niya ay naiwang nakabukas kaya walang hirap akong nakapasok doon.
"N-Nakabukas 'yong pinto kaya pumasok na ako." Mahihimigan ang kaba sa boses ko.
Nakakatakot kasi iyong tingin sa akin ni Esiah. He really is maturing now. Ang titig niya sa akin ay parang mga tinginan na ni Noah tuwing nagiging strikto ito sa research namin noon.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...