Twenty-three

3.8K 86 10
                                    

"Anong sabi sa 'yo no'ng Principal?" 

Tinigil ko ang paglaro sa mga daliri ni Noah at inangat ang tingin sa lalaki.

"Sa Thursday raw. Exam pala nila bukas hanggang sa Miyerkules," sagot ko at muling tinuon ang atensyon sa kamay niya.

I moved into tracing the lines in his palm. Tinabi ko ang kamay ko roon at pinagkumpara ang linya sa aming palad.

Nandito kami ngayon sa hardin sa bahay. Napagdesisyunan niyang mag-stay hanggang sa makauwi sina Mama. I also stopped the diary I am supposed to be doing right now.

"May laro ka sa Thursday?" Ako naman ang nagtanong.

"Meron po. Sa schedule, 1 pm ang nakalagay na simula. Pero kung mas masusunod ang Filipino time, baka 2 pm na mag-start," sambit niya.

"Susubukan kong humabol at manood. . . kaso baka pala mag-transcribe kami." Ngumuso ako.

Ang hirap talaga kapag hati ang oras. I want to watch his every game. Lalo na sa narinig ko sa kaniyang iintindihin niya ako kahit hindi ako makanood. I don't want him to settle with that. If he wants to demand my time, then so be it. Hindi pwedeng puro siya ang nag-aadjust sa amin.

"Susubukan ko pa rin. Lima naman kaming magtutulong-tulong sa pag-transcribe."

"Kung mas kailangang nandoon ka para sa mga kagrupo mo, okay lang po talaga. I told you I'll understand. Palagi," sabi niya sa malambing na boses.

Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya tungkol doon. Basta manonood ako.

"Sinong kalaban mo bukas?"

"ICT."

"Weh? ICT kaagad?"

"Yeah, medyo kinakabahan ako. Solo ako ngayon kaya kargo ko lahat," pag-amin niya.

"Sus, kaya mo 'yan. Si Nathaniel nga na kasali sa Solara team, natalo n’yo last year."

"Nathaniel's not even strong to start off. Natalo nga sila ng ICT, mahina siya. Baka water boy lang siya sa varsity team."

"Sa solo category 'yon, paanong magiging water boy?" natatawa kong tanong.

"Solo category pa siya no'n, ang bilis mapagod masyado."

"Parang may tinatago ka pang sama ng loob sa kaniya ah. . ."

"Hindi ko pa rin makakalimutan 'yong jacket. Pati no'ng naglaro kayo sa P.E. no'n. Bet, my ass." He scoffed. "At talagang pinanood mo lahat ng laro niya."

"Eh 'yon 'yong bet eh. Alangan naman hindi ko sundin!" paliwanag ko. "At saka, pinanood ko rin kaya lahat ng laro mo. Baka ikaw 'tong hindi ako napansin kasi ang dami mong fangirls."

"You didn't watch my every game, Miss. Wala ka no'ng championship game," pagkilatis niya. "Pati si Nathaniel noon, wala. Akala ko nga nag-date kayo."

I mocked a laugh. "Birthday ni Papa no'n kaya wala ako."

Kung alam niya lang na siya ang tumatakbo sa isip ko buong araw no'n. Pinagdasal ko pa nga sa simbahan.

"'Tsaka 'wag ka nga! Sino kaya 'tong shini-ship noon sa ibang babae?" balik ko kay Noah. "Halos araw-araw, laman kayo ng freedom wall!"

"That. . . I couldn't control, babe. Pero wala akong pakialam doon. Laman pala kami ng freedom wall?"

Halos umikit palikod ang mata ko dahil sa kaniyang naging tono. Dinig ang pagbibiro doon.

"Napakasinungaling, Noah Wren!" bintang ko.

"Biro lang po." Patagilid ako nitong niyakap. "I didn't know that time you were uneasy because of all the shipping. I wasn't aware you liked me since then. Kung alam ko lang. . ."

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon