Sixteen

4.9K 124 59
                                    

"Imposible. Ikaw magpapatalo kahit malaki ang dagdag sa grades no'ng sa quiz bee?"

"Hindi ko naman kailangan 'yon. I can maintain a high ranking even without the plus grades," he boasted with a smirk plastered on his face. "Ang dami ko nang utang kay Tita. I promise her ihahatid kita palagi pauwi."

"Dalawang araw na lang naman, pagkatapos no'n kahit pa hatid-sundo ang gawin mo, 'di ba?" ani ko.

"Okay po. Will you watch my competition then?"

"Kung pwede! Baka hindi magpapasok ng maraming estudyante no'n."

"Sasabihan ko si Pres na papasukin ka. We'll reserve you a seat."

"Isasama ko si Micah!"

"Alright, I'll inform Pres later."

Parang batang binigyan ng lollipop ang mukha ko sa tuwa at excitement na manood no'ng quiz bee nila.

"Are you sure you weren't jealous earlier?"

Binalik niya muli ang usapan na 'yon na akala ko'y nakalimutan na niya. Mukha ngang hindi pa 'to titigil hanggang sa makuha niya ang gusto niyang sagot.

"Anong problema kung oo?" Tinaasan ko ng kilay ang lalaki. "Hindi man tayo, pero parang gano'n na rin 'yon. . . gusto natin ang isa't isa. Kaya ano naman kung nagseselos ako? 'Tsaka matalino si Clara, posibleng magustuhan mo siya. Palagi siyang achiever, mula bata pa nga 'ata."

Noah looked at me with amusement. "You haven't realized how much I like you, 'no? Babe, you're the only achiever I have my eyes on here. 'Yong rank 5 at 18 lang ang gusto ko."

"Bolero ka!" bintang ko kay Noah na tinawanan ng lalaki.

"Pinapasok ko lang sa isip mo na hindi ko magugustuhan si Clara. I'm serious about my studies because I am committed to it. Gano'n din sa relasyon natin. I'm not here to play," seryoso niya ngayong sabi. "I date to marry, Esther. Kaya kapag naging tayo, sisikapin kong sa altar ang uwi nito."

"G-Grabe ka naman! Altar kaagad?" gulat kong sabi.

"Bakit? Gusto mo ba anak muna bago kasal?"

"Noah!" paninita ko rito. Pulang-pula na ang mukha ko dahil sa pinagsasabi niya. "Degree muna b-bago kasal."

"Payag ka na sa akin ka ikakasal?"

Nakanguso akong tumango. "Seryoso rin ako rito. . . p-pero tatapusin muna natin ang pag-aaral natin bago umapak sa gano'ng estado."

"Noted, babe. Apat na taon na lang naman. We can marry after 25."

Nakababaliw na kasalan na kaagad ang pinaguusapan namin sa ganitong edad. I'm 19 and he's 20, but here we are talking as if we are sure we'll end up with each other.

Kahit ang katotohanan, hindi pa namin kilala ang isa't isa nang lubos. May mga ugali akong hindi niya pa nakikita. May mga kwento siya sa buhay na hindi ko pa nabubuksan.

There's still a lot to uncover. Hindi ako sigurado kung nagagawa lang ba naming sabihin 'to dahil bago pa lamang ang relasyon namin. Na baka kapag tumagal, mapagtanto naming nadaan lang kami sa atraksyon at sayang dinulot nito noong una.

Ngunit sana ay hindi. Sana hindi ito panandalian lang. Baka labis ang iiyak ko kapag natigil ang kung ano mang mayro'n sa amin.

I like him so much. Halata naman siguro dahil sino ba ang mage-enroll sa summer class at magpapa-tutor para sa isang lalaki?

I might even look obsessed at this point. But believe me, these are just my genuine feelings for him speaking.

"Ang bilis nang oras. . . pwede bang mag-cutting tayo? Kahit ngayon lang."

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon